Castaways Arthur Solinap at Chuckie Dreyfus, tanggal na sa isla, pasok sa jury house
MANILA, Philippines - Sa unang linggo ng 2012, tanggal na sa isla ang hunk actor na si Arthur Solinap matapos siyang mapatalsik sa nakaraang tribal council sa Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown.
Bagamat nasipa si Arthur sa isla, malugod naman siyang sasalubungin ng nagbabalik showbiz na si Chuckie Dreyfus sa Jury House. Matatandaang si Chuckie ang kauna-unahang castaway na pumasok sa Jury House bago magtapos ang 2011. Sina Arthur at Chuckie ay kapwa miyembro ng orihinal na tribong Tala.
Sa ngayon, walong miyembro na lamang ng tribong Apolaki ang naglalaban para magwagi ng P3 milyon at maging susunod na Celebrity Sole Survivor. Kabilang rito sina Stef Prescott, Gino dela Peña, Betong Sumaya, John Odulio, Maey Bautista, KC Montero, Mara Yokohama and Arnold Aninion. Sa mga nasabing castaways, sina Maey at Betong na lamang ang natitirang miyembro ng orihinal na tribong Tala samantalang ang iba ay kabilang sa orihinal na tribong Bulan.
Ngayong linggo, haharap sa isang reward challenge ang mga castaways kung saan masusukat na ang katatagan at lakas ng bawat isa. Bukod dito, isang stargazer ang darating sa isla upang basahin ang aura ng mga Apolaki members. Malaman kaya ng mga natitirang castaways ang mangyayari sa kanila sa isla?
Subaybayan sa Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Munting Heredera sa GMA Telebabad.
- Latest