Anak nina Paolo at Lian muntik magbagong taon sa hospital!
Biktima ako ng smog sa Metro Manila dahil bigla akong nagkaroon ng ubo noong December 31 at hanggang kahapon, inuubo pa rin ako.
Hindi lamang ako ang nakararanas ng matinding pag-ubo dahil marami sa mga artista ang may sakit nang pumasok ang 2012.
Dinala nina Paolo Contis at Lian Paz sa ospital ang kanilang anak na si Xonia noong Bagong Taon dahil mataas ang lagnat ng bagets. Mabuti na lang, hindi na-confine sa ospital ang bata.
Nakasabay ko sa parlor ni Bambbi Fuentes ang isang news reporter ng TV5 na ubo rin nang ubo. ‘Yun daw ang epekto sa kanya ng smog sa Metro Manila.
Bukod sa ubo, sipon, at lagnat, laganap din ang intestinal flu kaya dobleng pag-iingat ang dapat gawin ng lahat.
Hindi ko na hinayaan ang ubo na makasagabal sa aking mga social responsibility. Pumunta ako kahapon sa Thanksgiving party ni Laguna Governor Jeorge Estregan sa Club Filipino.
Nagpatawag si ER ng Thanksgiving party bilang pasasalamat sa mga member ng entertainment press na sumuporta sa Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story.
Nakakatuwa ang mga balita na sold out ang tickets sa mga sinehan na pinagtatanghalan ng pelikula ni ER dahil curious ang mga tao na mapanood ang best picture ng 37th Metro Manila Film Festival.
Type na type ko ang pagpapahalaga na ipinaparamdam at ibinibigay ni ER sa entertainment press. Pareho sila ni Senator Bong Revilla, Jr. na marunong magmahal sa entertainment media.
Apo ni LT, Kristiyano na
Bininyagan kahapon sa Christ The King Greenmeadows Church ang aking apo na si Lyla Victoria.
Siyempre, pumunta ako sa binyag dahil ayokong ma-miss ang importanteng okasyon sa buhay ni Lorna Tolentino, ng kanyang anak na si Rap at girlfriend nito na si Nana.
Halos dalawang buwan na si Lyla Victoria at ang cute-cute niya. Lucky baby ang bagets dahil isinilang siya noong 11-11-11 sa Cardinal Memorial Medical Center.
NBI nakialam na sa pagtugis sa nagkakalat ng sex video nina Ramgen at Janelle
Ang tungkol sa inquiry ni Evangeline Acuña ng Cabuyao, Laguna ang itatanong ko kay Senator Bong kapag nagkita kami.
Nagpadala sa akin ng e mail si Vangie dahil gusto nito na malaman ang status ng panukala ni Bong na gawin na 55-years old ang umpisa ng pension para sa mga miyembro ng SSS.
Pabor ang mga kababayan natin sa panukala ni Bong dahil marami ang makikinabang kapag naaprubahan ang kanyang panukala tungkol sa pension na matatanggap ng SSS members.
Pinaiimbestigahan na nga pala ni Bong sa NBI ang pagkalat ng video ng kanyang kapatid na si Ramgen Revilla at ng girlfriend nito na si Janelle Manahan.
Hiningi ni Bong ang tulong ng NBI para matukoy ang source ng video. Kung sinuman ang may pakana ng pagkalat ng video, dapat nang kabahan dahil sigurado ako na makikilala sila sa lalong madaling panahon, kapag kumilos na ang NBI.
- Latest