^

PSN Showbiz

Most requested Korean loveteam nasa Heartstrings

-

MANILA, Philippines - Paano kapag sa classical musician na lolo’s girl ay nakilala si rakistang heartthrob? Sintunado man ang kanilang pinagsamang musika, maging maganda kaya ang himig kapag puso na ang ginamit nila?

Pakikiligin ang inyong hapon at salubungin ang bagong taon sa pag-uumpisa ng chart topping Koreanovela na hitik sa musika at kilig, ang Heartstrings na nagsimulang ipalabas sa ABS-CBN kahapon (Jan 2 2012).

Tampok sa naturang series ang pinakahihintay at much requested na tambalan sa Korea nina Park Shin Hye at Jum Yong Hwa ng He’s Beautiful.

Kilalanin si Nicole, apo ng isang tanyag na traditional musician na kumuha ng kursong traditional Korean instruments sa isang university para maisakatuparan ang pangarap sa kanya ng kanyang lolo na maging isang traditional musician tulad niya. Dito niya makakatagpo si Kevin, isang campus heartthrob at tinitiliang bokalista ng rock band na The Stupid.

Unang magkikita ang dalawa sa concert ng banda at simula pa lang ay mainit na ang dugo nila sa isa’t isa. Ang kanilang inisan ay mauuwi sa isang pustahan kung saan magtutuos sina Kevin at Nicole sa pamamagitan ng pagpapamalas ng kanilang musika magkaibang musika.

Sino kaya ang magwawagi? Sa pagsasama ng kanilang himig, mabuo kaya ang pag-ibig?

Tunghayan ang Heartstrings, Lu­nes hanggang Biyernes, 2:30 PM, pagkatapos ng Happy Yipee Yehey.

vuukle comment

BIYERNES

DITO

HAPPY YIPEE YEHEY

JAN

JUM YONG HWA

KEVIN

KILALANIN

KOREANOVELA

PAANO

PARK SHIN HYE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with