Career ni Iza magulo ang direksiyon!
Naguguluhan ako rito kay Iza Calzado. How I wish na buhay pa ang dad niya, si Lito Calzado na tumayong manager niya. Madali ko itong matanong tungkol sa mga isyu at kaganapan kay Iza. Pero ever since mawala ito, I must admit wala na akong alam kay Iza.
Although nagkaroon nun ng tsismis na lilipat ito, hindi naman ito napatotohanan. At hanggang nga¬yon naman nasa Eat Bulaga si Iza. Tapos nabalitaan ko naman na may gagawin itong movie sa Dos na hindi ko pinagtakhan dahil baka naman puwede siyang gumawa ng movie sa iba pero ‘di dapat makita sa palabas sa TV ng ibang istasyon.
Pero ang lumabas na huling balita, ‘yung pagho-host niya ng year end celebration sa TV5 ay parang isa nang patotoo na magiging Kapatid na siya?!
Ano ba Iza, magsalita ka na nga para matapos na ang mga ispekulasyon!
Pagiging gentleman ni Sen. Bong, hindi na bago!
Hindi na balita ‘yung pagiging gentleman ni Sen. Bong Revilla at ang ginawa niyang pagbati kina Bossing Vic Sotto at AiAi delas Alas sa pangu¬nguna ng pelikula nila sa takilya.
‘Yung pananahimik niya sa isyu sa pamilya ni Ramgen ay pagiging isang maginoo rin dahil hindi maituturing na pakikialam ang pagkakasangkot niya dahil isa lang silang pamilya at dahil ‘di puwede si Sr. Revilla, siya sana ang puwedeng pumalit pero, mas minabuti na niyang huwag makialam.
LOVI HINDI KINAYANG KALIMUTAN SI RONALD SINGSON
Aba mukha ngang may katotohanan ang hindi pagsasalita ni Lovi Poe sa isyu tungkol sa paglaya ng sinasabing boyfriend niya, ang dating kongresistang si Ronald Singson. Parang mas may mga nababasa pa sa mga hindi niya sinasabi kaysa sa mga lumalabas na salita sa kanyang bibig.
Nakapagtataka ba kung manumbalik ang kanilang relasyon na hindi marahil naputol dahil sa nakulong si Ronald. Mas impressed nga ako dahil nagawa siyang hintayin ni Lovi. Pero ganito nga ba ang sitwasyon, Lovi?
- Latest