^

PSN Showbiz

Jennylyn sa scuba diving naman naaadik!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Kinumpirma sa amin ni Mr. Ric Camaligan na isa sa miyembro ng Metro Manila Film Festival na malaki ang itinaas ng kinita ngayon ng MMFF kung ikumpara nung nakaraang taon.

Nagulat sila na bumalik ang lakas ng pitong pelikula nung nakaraang Linggo. Parang first day ng MMFF daw ang kinita nito kaya lalo pa itong lumaki at tingin nila maabot daw sa target nilang 600M ang kikitain sa buong festival.

Hindi na matitinag sa unang puwesto ang Enteng ng Ina Mo at pumangalawa ang Panday 2 na sinundan ng Segunda Mano.

Kahit ang panghuling pelikula na Yesterday, Today, Tomorrow ay malakas pa rin daw kung tutuusin.

Kaya walang flop na pelikulang kasali ngayon sa MMFF.

PAK: Scuba diving naman ngayon ang nakakahiligan ni Jennylyn Mercado. Nagulat na lang daw sila nang nalaman nilang ito naman ang kinakarir ang pagti-training ng aktres.

Mabuti na raw na sa sports ang nakahiligan nito na pareho naman sila ni Luis Manzano.

 Pero mukhang mas gusto ni Jennylyn na talbugan si Luis dahil balak nitong sumali sa mga competition.

Kapag meron daw sapat na oras sa training, itutuloy daw ni Jennylyn ang pagsali sa Jujitsu o di kaya sa triathlon.

BOOM: Totoo kayang kina Jolo Revilla raw nag-New Year si Kris Bernal.

Ayaw naman kaming sagutin ni Jolo nang kulitin namin ito. Pero inamin naman niyang madalas silang lumalabas ni Kris kapag wala silang trabaho.

 Hanggang dating lang daw muna dahil hindi naman daw sila nagmamadali. Pero mukhang seryoso si Jolo sa panliligaw kay Kris dahil matagal na niyang gusto itong ligawan, pero tumigil lang ito nang nalaman niyang meron pang Jay Perillo ang young actress.

           

DAW

INA MO

JAY PERILLO

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

JOLO

JOLO REVILLA

KRIS BERNAL

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with