Nasa Boracay daw: Rhian nagtago lang sa hotel!
PIK: Ilan sa mga celebrities na nag-celebrate ng Bagong Taon sa Boracay ay si Alfred Vargas kasama ang kanyang pamilya.
Hindi natuloy nang uwi ang asawa niyang si Yasmine Espiritu at ang dalawa nilang anak.
Gusto kasi ni Alfred na maayos muna ang titirhan nila bago umuwi ang kanyang mag-ina.
Ayaw na kasing balikan ng aktor ang bahay niya sa Don Antonio Heights sa Quezon City pagkatapos itong pagtangkaang nakawan ng dati niyang kasambahay.
Kaya bumili na ito ng condo unit malapit sa Quezon City Hall at doon na sila titira ni Yasmine. Aayusin niya ito pagkatapos ng ilang araw na bakasyon niya sa Boracay.
PAK: Nabasa rin namin sa Twitter account ni Rhian Ramos na nasa Boracay din nag-New Year kasama raw ang kanyang pamilya.
Nag-ikot kami roon pero hindi namin nakita ang young actress. Malamang na nasa hotel lang ito at hindi nagpapakita sa mga tao.
Punung-puno ang Boracay nung nakaraang holidays at karamihan ay mga foreigners.
Pero namataan pa namin doon sa isang bar ang Philippine Azkals member na si Anton del Rosario na may kalaplapan na babae.
BOOM: Ayaw mag komento ni Sen. Bong Revilla, Jr. sa kumalat sa Internet na sex video nina Ramgen Revilla at Janelle Manahan.
Ang gusto lang sana niya ay matunton kung sino ang nagkalat na tiyak galing sa mga personal na gamit ni Ramgen.
Mabuti at naisabatas na ang Cyberboso Bill kaya sana kumilos na ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ito kung saan nagsimula ang pagkalat ng naturang sex video.
Sana itigil na rin ang pagkalat nito o pagpapasa-pasa sa Facebook at Twitter bilang respeto na lang sa pinaslang na aktor.
- Latest