Kahit may mabigat na problema, Mark Herras hindi naiisip magpakamatay!
PIK: Naniwala ang isa sa mga miyembro ng executive committee ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na si Manay Ichu Maceda na ngayon lang ’yan ang tampo ni Mother Lily Monteverde dahil sa disqualification sa apat na major categories ng pelikula niyang Yesterday Today Tomorrow.
Sinabi kasi ni Mother Lily na baka sign na ’yun na hindi na siya sasali sa susunod na MMFF.
“I hope not because kailangan natin si Mother Lily, marami siyang contribution sa industriya ng pelikula so I hope na ito’y pansamantala lamang ang sama ng loob at tampo niya but I’m looking forward na next year sasali ulit siya,” pahayag ni Manay Ichu.
PAK: Say ni Manay Lolit Solis, nauuso na rin ngayon ang mga predictions, bakit hindi na tayo magpahula kay Kris Aquino dahil parang alam na alam nitong si Dingdong Dantes ang mananalo.
Deserving naman si Dingdong sa Best Actor trophy pero nahaluan lang kasi ng malisya at pagdududa ang pagkapanalo nito dahil sa napakaingay daw ni Kris na dapat si Dingdong ang manalo.
Bukod sa pagkapanalo ni Dingdong, sinasabi ni Kris na gusto niyang maging No. 2 sa Enteng ng Ina Mo sa box office, kaya tuloy dumidikit na ito ngayon sa Panday 2 na pumapangalawa sa box office.
Kung sakaling mag-No. 2 ito sa box office, tiyak na pagdududahan din ito dahil sino ba ngayon ang nasa power?
Ginamit nga ba ni Kris ang pagiging presidential sister para suportahan ang pelikula niya sa mga probinsiya?
BOOM: Hindi makapaniwala ang mga kasabayan ni Tyron Perez sa Starstruck nang nakarating sa kanila ang balitang namatay ito dahil sa pagbaril daw ng sarili.
Si Cristine Reyes ang isa sa pinakamalapit sa aktor at gusto na sana nitong iwan ang taping para puntahan si Tyron pero hindi ito pinayagan.
Nakausap namin si Mark Herras nang nabalitaan niya ang malagim na nangyari kay Tyron at lalo itong na-depress.
Nasa hospital kasi ang Tito Hermie ni Mark na siyang nagpalaki sa kanya dahil operahan ito sa puso.
Ang daming pinagdaraanan ng pamilya ni Mark at may mga hinaharap din siyang problema pero never niya naisip na kitilin ang sariling buhay.
Naniniwala si Mark na kahit anong bigat ng problema mo ay malalagpasan din ito. Kaya nalulungkot siya bakit nagawa ito ni Tyron, kung totoo ngang nagpatiwakal ito.
Mag-uusap pa silang mga taga-Starstruck kung ano ang gagawin nila para makiramay sa pamilya ni Tyron.
Nakakalungkot lang na kung saan haharap tayo sa bagong taon, iniwan na sila ng isa sa mga taong pinakamalapit sa kanila.
- Latest