Hindi kinaya ang problema...Tyron Perez nagpakamatay!
Lungkot at panghihinayang ang na-feel ko sa balita na nag-suicide si Tyron Perez.
Napakabigat ba ng kanyang problema kaya pinili niya na magpakamatay? Wala bang solusyon ang mga bagay na gumugulo sa kanyang isip?
Hindi na natin malalaman ang sagot dahil tanging si Tyron ang nakakaalam kung ano ang laman ng kanyang puso at isip. May mga tao kasi na talagang mahina ang loob sa pagharap sa mga problema.
May nakapagsabi sa akin na malungkot na malungkot si Tyron, ilang araw bago siya nag-suicide noong Huwebes.
Isang reporter ang nakapag-interview kay Tyron noong nakaraang linggo at napansin daw niya na iniwasan ng aktor na sagutin ang mga tanong tungkol sa kanyang misis na flight stewardess.
Naalaala ng reporter ang scenario nang makarating sa kanya ang balita na nagpakamatay si Tyron.
Baka sakali na pumayag na magsalita ang misis ni Tyron dahil siya ang isa sa mga makakapagbigay linaw sa nangyari sa kanyang asawa.
Plano ng mga kasamahan ni Tyron sa StarStruck 1 na magkita-kita at sama-samang pumunta sa burol niya sa Loyola Memorial Park, Parañaque City.
Si Yasmien Kurdi ang isa sa mga punong-abala sa coordination ng pagdalaw sa burol ni Tyron.
Ang Starstruck 1 ang pinaka-successful na season ng reality show ng GMA 7.
Kasama ni Tyron sa Season 1 ng Startsruck sina Mark Herras, Jennylyn Mercado, Yasmien, Rainier Castillo, Nadine Samonte, Katrina Halili, Cristine Reyes, etc.
Naalaala ko pa na naging talent ni Douglas Quijano si Tyron. Very happy si Tyron nang pumayag si Dougs na i-manage ang kanyang showbiz career pero short-lived ang kaligayahan niya dahil binawian si Douglas ng buhay noong June 2009.
Nakikiramay ako at ang staff ng PSN sa lahat ng mga naulila ni Tyron. Tulad nating lahat, hindi makapaniwala ang mga nagmamahal kay Tyron na magagawa niya na kitilin ang sariling buhay. Nagdesisyon ang pamilya ni Tyron na buksan sa publiko ang burol niya para makita siya sa huling pagkakataon ng kanyang mga supporter.
Live na live ngayong hapon ang Startalk. Tutukan ninyo ang aming programa dahil ihahatid namin sa inyo ang ibang mga detalye tungkol sa pagpanaw ni Tyron.
Ipapakita rin sa Startalk ang sidelights ng Metro Manila Film Festival Awards.
Tinutukan ng aming staff ang lahat ng kaganapan sa MMFF Awards. May interbyu kami kay Mother Lily Monteverde na nag-react sa disqualification ng MMFF executive committee sa Yesterday Today Tomorrow sa major categories ng MMFF Awards
Humanga ako sa honesty ni Laguna Governor ER Estregan na umasa siya na mapapanalunan niya ang best actor award sa Metro Manila Film Festival.
Bumilib ako kay ER dahil nagpakatotoo ito. Hindi siya kagaya ng ibang aktor na kiyeme-kiyeme na hindi sila nag-hope na ma-take home ang best actor trophy.
Type ko rin ang kaprangkahan ni ER nang sabihin nito na nalungkot siya dahil nakarating sa kanya ang mga dialogue ni Kris Aquino na itataya nito ang pangalan para mag-win si Dingdong Dantes at kung anik-anik pa.
Feel na feel ko ang gustong ipahiwatig ni ER dahil namana niya ang kaprangkahan ng kanyang tiyo, si Papa Erap Estrada.
Namamayagpag ang mga manghuhula dahil sa pagpapalit ng taon.
Wish ko lang, accurate at hindi kathang-isip lamang ang kanilang mga prediction sa showbiz para sa 2012.
Marami kasi diyan ang nagpapanggap na manghuhula pero ang totoo, type nila na mapanood sa TV ang sarili para dumami ang mga tao na kanilang mabobola at mapagkakakitaan.
Tigilan na nila ang mga hula na may young actress na mabubuntis, may showbiz couple na maghihiwalay at may veteran stars na matsutsugi.
Gayahin nila si Kris Aquino na nagkatotoo ang mga sinabi tungkol sa magiging resulta ng MMFF. ‘Yan ang tunay at hindi fake na manghuhula!
- Latest