^

PSN Showbiz

Kris nag-ala Madame Auring!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Si Kris Aquino na ang Madame Auring ng maka­bagong panahon dahil nangyari ang kanyang mga hula.

Dapat nang kabahan si Madame Auring dahil tinatalbugan na ng mga hula ni Kris ang kanyang mga prediction.

Nagkatotoo ang mga sinabi ni Kris tungkol sa pelikula niya. Sinabi ni Kris na pang-best actor ang acting ni Dingdong Dantes sa Segunda Mano at ito ang dapat mag-win. Nagkatotoo ang sinabi ni Kris dahil si Dingdong nga ang nanalo sa Metro Manila Film Festival (MMFF) awards noong Miyerkules ng gabi.

Mukhang magkakatotoo rin ang very confident statement ni Kris na magiging No. 2 sa MMFF box office race ang Segunda Mano.

Sasabihin ko na talaga sa staff ng Startalk na imbitahan si Kris sa aming show para siya ang magbigay ng forecast sa mga mangyayari sa showbiz sa 2012 pero may kundisyon, kailangan na nakasuot siya ng turban!

Manila kingpin big winner sa MMFF Maricel best actress, Dingdong best actor

May mga pumapalag sa resulta ng winners ng MMFF Awards pero wala na silang magagawa dahil naipamigay na ang mga trophy.

Big winner ang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story dahil ito ang nag-take home ng pinakamaraming karangalan.

Best Picture: Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story (Scenema Concepts Int’l, Viva Films)

Second Best Picture: Enteng ng Ina Mo (Star Cinema, M-Zet Films)

Third Best Picture: Shake, Rattle, & Roll 13 (Regal Films)

Best Director: Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story

Best Actor: Dingdong Dantes (Segunda Mano)

Best Actress: Maricel Soriano (Yesterday Today Tomorrow)

Best Supporting Actor: John Regala (Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story)

Best Supporting Actress: Eugene Domingo (My Househusband, Ikaw Na)

Best Child Performer: Bugoy Cariño (Shake, Rattle, & Roll 13)

Best Screenplay: Roi Iglesias and Rey Ventura (Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story)

Best Story: Chris Martinez and Marlon Rivera (Shake, Rattle, & Roll 13)

Gatpuno Villegas Cultural Award: Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story

Gender Sensitivity Award: My Househusband, Ikaw Na!

Best Cinematography: Carlo Mendoza (Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story)

Best Original Theme Song: La Paloma by Ely Buendia (Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story)

Best Musical Score: Jerry Lazaten (Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story)

Best Sound Recording: Mike Idioma (Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story)

Best Editing: Jason Canapay and Ryan Orduna (Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story)

Best Production Design: Fritz Siloria, Mona Soriano, and Ronaldo Cadapan (Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story)

Best Visual Effects: Riot Inc. (Ang Panday 2)

Best Make-up: Florencia Penero, Niccolo Medina, and Jayvee Flores (Enteng ng Ina Mo)

Best Float: Ang Panday 2

Best Full-Length Independent Film: Pintakasi

Best New Wave Actor: JM de Guzman (Pintakasi)

Best New Wave Actress: Iza Calzado (H.I.V.)

New Wave Gender Sensitivity Award: H.I.V. (full-length) and Speechless from Miriam College (student film)

Best Student Film: Payaso from De La Salle-Lipa and MATE from Colegio San Juan de Letran

Special Jury Prize: Biyahe ni Barbie from De La Salle-College of St. Benilde

Lani fresh pa rin kahit ngarag

Ang ganda-ganda ni Rep. Lani Mercado sa MMFF Awards Night. Fresh na fresh ang face ni Lani, hindi halata na nanggaling siya sa maghapon na taping ng Amaya sa Laguna.

Maaga ang call time ni Lani para sa taping ng Amaya noong Miyerkules at tinapos ng alas-kuwatro ng hapon ang kanyang mga eksena para masamahan niya si Sen. Bong Revilla, Jr. sa Awards Night.

ANG PANDAY

ASIONG

ASIONG SALONGA STORY

BEST

KINGPIN

MANILA

MANILA KINGPIN

SALONGA

SEGUNDA MANO

STORY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with