^

PSN Showbiz

Nanonood ng MMFF, nabawasan!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Bumaba ang kita sa second day ng Metro Manila Film Festival pero malakas pa rin daw ito ayon sa ilang miyembro ng Executive Committee ng Metro Manila Film Festival kumpara noong nakaraang taon.

Kahit ilang araw lang ang bakasyon ng Pasko, marami pa rin ang lumabas para manood sa mga sinehan.

Hanggang kahapon, nangunguna pa rin ang Enteng ng Ina Mo at sumunod ang Panday 2.

At kahit pampito pa raw ang Asiong Salonga, malakas pa rin ito kaya tuwang-tuwa ang mga taga-MMFF dahil nadagdagan ang mga nanonood.

Ayon kay Mr. Ric Camaligan ng SM, tumaas daw ng mahigit 20 percent ang kinita ng mga pelikulang kasali sa MMFF ngayong taon.

Kaya mukhang maabot daw nila ang target na 600 million sa sampung araw ng festival.

IZA pipirma na ng kontrata sa KAPAMILYA?

PAK: Totoo kayang itutuloy na raw ni Iza Calzado ang paglipat ng ABS- CBN2? Tinanong namin ang aktres nung nakaraang parada ng MMFF pero wala siyang sagot sa amin.

Wala pa raw final decision kaya wala pa siyang masasabi.

Ang tanging commitment pa lang naman daw nito sa ABS-CBN ay ang pelikulang gagawin niya sa Star Cinema. Pero ang pagiging Kapamilya talent ay wala pang masasabi si Iza.

OYOBOY SUPER PROUD SA KANYANG BABY GIRL

BOOM: Congratulations sa mag-asawang Oyoboy Sotto at Kristine Hermosa sa pagsilang ng kanilang baby girl nung nakaraang Lunes ng gabi sa St. Luke’s Global.

Tweet ni Oyoboy kahapon; “Welcome to the world my baby girl..’ she came out last night at 11:49p.m.”

Wala pa siyang naibigay na detalye tungkol sa panganganak ni Kristine at sa kanilang baby, pero normal delivery daw ito.

ASIONG SALONGA

EXECUTIVE COMMITTEE

INA MO

IZA CALZADO

KRISTINE HERMOSA

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MR. RIC CAMALIGAN

OYOBOY SOTTO

ST. LUKE

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with