Enrique, todo insecure kay Gerald?
MANILA, Philippines - Umiigting na ang tensiyon sa pagitan ng mga karakter nina Gerald Anderson at Enrique Gil sa top-rating family drama ng ABS-CBN na Budoy. Matapos malantad ang katotohanang si Budoy (Gerald) ang tunay na Benjamin Maniego, hindi na mapigil ni BJ (Enrique) ang galit sa dating kaibigan; at ngayong pati si Jackie (Jessy Mendiola) ay unti-unting lumalayo na sa kanya, desidido na siya sa kanyang masamang balak. Tutukan ngayong linggo kung hanggang saan dadalhin si BJ (Enrique) ng kanyang inggit at galit kay Budoy (Gerald) sa mga mas tumitinding tagpo sa Budoy, gabi-gabi pagkatapos ng Ikaw ay Pag-Ibig sa Primetime Bida ng ABS-CBN.
- Latest