Naniniwala kay Santa Claus kumokonti na!
Marami pa rin naman ang naniniwala pa kay Santa Claus pero sa pagsapit ng makabagong panahon, malaki na ang ibinaba ng bilang nila. Hangad ko lang na ’yung mga nawala na ang paniniwala sa kanya ay natuturuan na ng mga magulang nila na mas lumapit sa Diyos dahil mas maibibigay nito ang kahilingan nila, at mas tunay siya kesa kay Santa Claus.
Instead of teaching your young ones na maging mabait para sila dalawin sila at bigyan ng regalo ni Santa Claus, ibaling ang atensiyon nila sa Panginoon who can give them much more.
Celebrities na nag-i-invest sa farm dumarami na!
Sabi ni Tita Ethel Ramos, dumarami na ang bilang ng mga artistang nagmamay-ari ng farm. Bakit naman hindi eh bukod sa magkakaroon ka na ng pahingahan ay makakaasa na rin sila ng sarili nilang produce tulad ng prutas at mga gulay, puwede na rin silang mag-alaga ng mga baboy, manok, kambing, at baka na magbibigay sa kanila ng sarili nilang karne at itlog.
Kung may kita ka rin naman bakit nga hindi farming ang gawin mong investment? Mas matrabaho nga lang pero mas maganda ang magiging balik sa inyo.
Direk Tikoy hindi nakaaapekto sa Asiong
Mabuti naman at hindi napigilan ng temporary restraining order (TRO) ang pagpapalabas ng Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story kundi masasayang lahat ng pinaghirapan ng produksiyon.
Naging matagumpay man ang ginawang pagpapatanggal ng direktor ng pelikula ng kanyang pangalan sa credits, hindi na ito makakaapekto sa movie. Ang focus nila ay matutuon na lang sa ganda ng pelikula.
Ano kaya ang mangyayari sa ikalawang pelikula na pagsasamahan nila ni Direk Tikoy Aguiluz, tapos na ba ito o kailangang tapusin ng iba? Kung tapos na, ipatanggal din ba ni Tikoy ang pangalan niya rito? Ay, ang gulo!!!
- Latest