^

PSN Showbiz

Katrabahong young actor nagdududa na Pikpak boom, Hunk actor nakikitaan na ng senyales ng kabadingan

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Okay lang kay Marian Rivera na hindi na siya magpapahinga pagkatapos ng Amaya.

Deretso na siya sa taping ng My Beloved na kung saan pinalitan niya bilang leading lady ni Dingdong Dantes si Rhian Ramos.

“Okay na rin ito. Bagong taon, panibagong trabaho, at may bonus pa — katrabaho ko pa si Dong, ang pinakamamahal kong lalaki. Ano pa ang hihilingin ko? So okay lang, gagawin ko ’yan,” masayang pahayag ni Marian.

May konting revisions lang sa script pero walang problema kay Marian kahit ang boyfriend lang ang lumabas na bida.

Walang problema sa kanya na susuporta siya sa lalaking pinakamamahal niya.

PAK: Matagal nang pinagdudahang ba­ding si hunk actor dahil nakikita sa mga kilos nito ang medyo may pagkalamya.

Sabi ng mga nagtatanggol sa kanya, ganun lang talaga ’yun pero tinitiyak nilang tunay na lalaki ito.

Kahit si young actor na katrabaho nito ay nagsasabing hindi niya nakitaan ng kabadingan itong si hunk actor.

Pero ngayon ay nagbago na ang pagtingin ni young actor. Nagdududa na rin siya na tila totoo nga ang tsismis kay hunk actor.           

Ayaw lang niyang sabihin sa amin kung ano ang nakita niya’t nagdududa na rin ito.

Basta malakas ang kutob niyang may pagkaba­ding na nga ito. Naawa lang siya sa young actress na bida sa drama series na pinagsasamahan nila dahil parang ginagamit lang siya nitong hunk actor para mapagtakpan ang kabadingan.

Parang kilala na nila kung sino ang idol nitong si hunk actor.

BOOM: Sa ibang bansa nag-Pasko si Pauleen Luna kasama ang kanyang pamilya.

Mabuting doon na muna sila magpalipas ng ilang araw para magkaroon ng panahon ito para makapag-isip tungkol sa kanyang love life.

Wala pa namang inaamin sina Pauleen at Vic Sotto pero mukhang may namamagitan naman talaga sa kanila at pinili lang nilang manahimik.

Hiningan ng reaksiyon si Pauleen tungkol sa mga lumalabas na intrigang ayaw sa kanya ni Oyoboy Sotto at hindi rin boto ang mga magulang ng aktres kay Bossing Vic.

“Dedma na lang kasi alam naman namin kung ano talaga ’yung nangyayari and you know the comments don’t really matter kasi as long as you know the truth. You know the truth kung anuman ’yung pinagdadaanan dapat hindi ka naaapektuhan ng iba,” pahayag ni Pauleen na nakikita naming nag-iingat sa mga sinasabi niya.

ACTOR

BOSSING VIC

DINGDONG DANTES

LANG

MARIAN RIVERA

MY BELOVED

OYOBOY SOTTO

PAULEEN

PAULEEN LUNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with