Aktres hawak na ang kontrata sa lilipatang network!
Hindi pa makakalipat sa ibang network ang maganda at magaling na aktres na ito kahit nasa kanya na ang kontrata ng network na lilipatan. Nagpapahintay lang ang dalawang bossing nang iiwan nitong network after Christmas para siya’y makausap. Hihintayin ng aktres ang bigwigs ng network bago siya pumirma ng kontrata sa lilipatang network.
Sa initial meeting ng aktres sa mga bossing ng network, nasabi na niya lahat-lahat ang gustong iparating sa management. Siguradong nabanggit niya sa dalawa ang feeling na under utilized sa iiwang network dahil matagal ang gap bago siya bigyan ng project. May two shows sa network ang aktres pero weekly at wala siyang soap, gayung sa drama pa naman siya magaling.
Pero nakapagpaalam na ang aktres sa producer ng show kung saan siya nagho-host at umiyak ito habang kausap ang producer na naging mabait sa kanya. Hindi kasi puwedeng lumabas pa rin siya sa show habang nasa kabilang network na siya.
Kung tutuusin, puwede nang pumirma ng kontrata sa ibang network ang aktres dahil tapos na ang kontrata niya sa home network. Bilang respeto, sa mga taong naging mabait sa kanya, maghihintay siya at kakausapin ang mga bossing nang iiwang network.
Rhian hindi pinayagang mag-back out sa My Kontrabida...
Tuloy pa rin ang My Kontrabida Girl movie ni Rhian Ramos kahit nasangkot sa malaking kontrobersiya. Kahit marami ang naniniwalang end na ng career nito lalo na second video na na-upload (at parang may mga susunod pa). Bukod sa marami nang eksenang nakunan si Direk Jade Castro, sinulat ang story ng My Kontrabida Girl para kay Rhian at bagay sa kanya ang role at karakter sa movie.
Hinihintay lang ng GMA Films na maging handa na uling mag-shooting si Rhian para tapusin ang movie. Hindi nasagot ni Joey Abacan kung tuloy pa rin sa Feb. 8 ang playdate ng movie dahil ilang weeks nang ’di nagsyu-shooting si Rhian.
Sa My Beloved lang pinayagang mag-quit si Rhian at hindi sa My Kontrabida Girl. Kapareha niya sa nasabing pelikula si Aljur Abrenica.
Paolo hirap maging balahurang bading
Ready na ang sagot ni Paolo Ballesteros ’pag tinanong siya ng daughter niya kung sino ang mga gumamit ng lady’s shoes na nakolekta niya mula nang gumanap siyang babae at bading sa mga TV shows.
Sasabihin niyang inipon niya ang mga nabanggit na sapatos para sa kanya (sa anak niya) na five years old pa lang ngayon at hindi pa siya napapanood sa TV, maliban sa Eat Bulaga.
Magkakasama sila ng partner niya at anak nila kaya masaya ang Pasko niya ngayon. Kapag natapos ang kaso nila sa maternal grandmother ng anak nila, saka lang nila ito susundan.
Hirap si Paolo na i-motivate ang sarili na gumanap na balahurang bading sa Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin dahil mahirap daw ang ganun. Naging kontrabida na siya sa I Heart You Pare, pero rito Kung Aagawin… siya pinakamasama bilang best friend ni Brigette (Michelle Madrigal).
- Latest