^

PSN Showbiz

Bakasyon ni Maricel sa Amerika inimbiyerna ng executive committee ng MMFF

- Veronica R. Samio -

Dahil sa America magpa-Pasko si Maricel Soriano, hindi ito makakadalo sa mga aktibidad ng Metro Manila Film Festival (MMFF) kung saan ay may entry siyang isang pelikula, ang Yesterday Today Tomorrow.

Required pala ang lahat ng major cast ng pitong pelikula na kasali sa MMFF na sumama sa Parade of Stars na magaganap ngayong araw na ito at sa awards night na gaganapin naman ilang araw maka­lipas ang pagsisimula ng festival.

Bida si Maricel sa isa sa dalawang entry ng Re­gal Entertainment, ang isa pa ay Shake Rattle & Roll 13. Kailangang present siya sa nasabing dalawang events dahil kung hindi, hin­di lamang siya madi-disqualify sa bigayan ng awards kapag nanalo siya, hindi rin ibibigay sa kanya ang MMFF execom ang cash incentives na kasama sa napapanalunan ng winners sa awards night.

Hindi rin ito ang first time na hindi makakadalo si Maria sa mga aktibidad ng MMFF. Wala rin siya nang manalo siya para sa Bahay Kubo may ilang taon na ang nakararaan, kaya wala siyang natanggap na cash incentives. Okay na ito dahil hindi niya natapos ang kanyang obligasyon pero para maparusahan ang Regal Entertainment, Inc. at hindi na pasalihin sa mga susunod na MMFF ay hindi naman makatarungan.

Ang pag-alis ng kanilang bida sa Yesterday… ay hindi nila sakop. Nagawa na ng aktres ang kanyang trabaho para sa kanila. Nasa kanila na ang obligasyong i-promote ang pelikula nito at ang naiwang ibang artista nila ang gumagawa ng promosyon para sa pelikula.

Sa pagdadamit-babae Paolo walang dapat ipaliwanag sa anak

Kung ang isang kasamahan namin sa Philippine Movie Press Club (PMPC) ay takot na makita ng kanyang “anak” ang mga larawang kuha sa kanya nang manalo siya bilang Miss PMPC, walang ganitong problema si Paolo Ballesteros sa kanyang tatlong taong gulang na anak na lubhang napakabata pa para kuwestiyunin ang pagbibihis niya ng babae, hindi lamang sa Eat Bulaga kundi sa kasalukuyang serye na ginagawa niya, ang Kung Aagawin Ang Langit na isa na namang bading ang role niya.

Nasa kandili pa rin ni Paolo ang bata at mananatili ito sa piling niya hanggang hindi natatapos ang usapin nila sa korte ng ina nito. Okay naman ang relasyon nila ng ina nito, hindi totoo ang balitang nag-aaway sila dahilan sa bagets.

Gov. ER nagyabang na nahalikan si Carla

Mukhang may yabang ang nasabi ni Gov. ER Ejercito na masuwerte ang leading lady niya sa Asiong Salonga na si Carla Abellana dahil nahalikan ito ng isang gobernador. Marami silang eksena ng halikan ng Kapuso actress na magbibigay kilig sa mga manonood dahil sa ganda ng pagkakakuha dito ni Direk Tikoy Aguiluz. Binawasan pa ito, ayon sa gobernador-aktor, dahil kung hindi lubhang mapapahaba pa ang pelikula na mahigit isang oras mapapanood sa screen.

vuukle comment

ASIONG SALONGA

BAHAY KUBO

CARLA ABELLANA

DIREK TIKOY AGUILUZ

EAT BULAGA

KUNG AAGAWIN ANG LANGIT

MARICEL SORIANO

METRO MANILA FILM FESTIVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with