Walang choice or else direktor nagdurusa sa boses ipis ng aktor
MANILA, Philippines - Problema pa rin ng isang direktor ang pangit na boses ng isang aktor na dinidirek niya ngayon. Disturbing para sa direktor ang maliit na boses ng aktor na kahit mag-modulate, wala talagang dating kahit nagdadrama pa ito.
Akala ng direktor, mawawala ang sakit ng ulo niya sa aktor sa nalalapit na pagtatapos ng series na ginagawa nila. Eh kaso may dumating na bagong series sa direktor at nawindang siya nang malamang nasa cast din ang aktor!
So, walang choice ang direktor kundi magtiis sa boses ng aktor. Mahirap nang umangal at siya naman ang matanggalan ng trabaho!
Buti na lang at loveless KC ibinuhos ang oras sa CDO at Iligan
Nagbuhos talaga ng ilang araw at oras si KC Concepcion upang tumulong sa distribution ng relief goods para sa nasalanta ng bagyong Sendong sa Cagayan de Oro at Iligan City. Maya’t maya nagtu-tweet ang anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion upang ipaalam ang mga activities at kung paano siya nanlumo sa mga taong naging biktima ng trahedya.
Buti na lang, loveless na si KC kaya may oras siya sa kanyang charitable works na kahit paano ay naibsan ang kalungkutan sa break up nila ni Piolo Pascual. Mas blessed pa ang young actress kung tutuusin this Christmas dahil puso lang ang kanyang nasaktan. Hindi kagaya ng mga kababayan natin na kabuhayan na ang nawala, pati pa ang kanilang mahal sa buhay!
Isa pa sa mga artista nating nakibahagi ng pamimigay ng pangangailangan sa CDO at Iligan ay si Derek Ramsay na naglagare sa dalawang probinsiya.
At least, sina KC at Derek, hanggang tweets lang ang updates hindi kagaya ng ilang celebrities na nagtu-tweet na, may matching pictorial pa! Nagawa pa talagang magpa-pictorial sa gitna ng mga problema, ’no?
Kahit patapos na ang kontrata, Carla wala pang offer sa GMA 7
Patapos na ang kontrata ni Carla Abellana sa GMA Network pero hanggang ngayon, wala pang offer na dumarating sa kanya.
“Hindi pa kasi kami nagkikita ng manager ko. So kung sa kanya ibinigay ang offer, hindi pa umaabot sa akin. Nakausap ko naman siya last week pero wala talaga kaming napag-usapan na ganoon. Kaya nga nagulat ako sa offer at hindi ako kinausap ng management. Eh sana, tinanggap na namin,” say ni Carla nang makausap namin sa taping ng afternoon drama na Kung Aagawin Mo ang Langit.
May mga ibang network na nagpaparamdam din sa kanya.
“Hindi mo rin kasi maiiwasang may magparamdam. Besides, I haven’t received an offer from GMA. Baka hinihintay pa nilang matapos ang holidays!” pag-aasam ng young actress na nasa cast ng Regal filmfest entry na Yesterday Today Tomorrow at Manila Kingpin The Asiong Salonga Story.
MMFF nagkuripot?
Nagkuripot yata ngayon ang Metro Manila Development Authority (MMDA) dahil sa bilang na bilang na season pass ngayong 2011 Metro Manila Film Festival. Last year kasi bumabaha talaga ang naturang pass kaya ubos biyaya ang entertainment press sa pamimigay sa mga humihingi sa rami ng naibigay sa kanilang pass.
Eh this time, bukod sa limitado ang bilang, limitado rin ang press na binigyan. Mangiyak-ngiyak tuloy ang ilang hindi nabiyayaan ng festival ticket.
Naku, wait na lang ang hindi nabigyan dahil baka next year, tuparin ni Chairman Francis Tolentino na ibalik ang pamamahala ng MMFF sa private sector.
- Latest