^

PSN Showbiz

Stress ni Kris biglang natanggal!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Masayang-masaya si Kris Aquino na graded A ng Cinema Evaluation Board ang Segunda Mano nila ni Dingdong Dantes. Sabi nito: “Super tears of joy. Na-lessen ang stress about break even point. and I felt all my exhaustion nakalimutan ko na! This was my first A! Feng Shui , Sukob, & Dalaw all B.

Dagdag pa ni Kris: “Special mention was given to the performances given by Dingdong Dantes & me. Thank you God!

Masayang aalis si Kris sa December 26 para sa New York mag-New Year with her friends at sa January 7, 2012 ang balik.

Dalawang pelikula under Deo Ed­rinal’s unit ang gagawin niya next year at may soap din sa ABS-CBN.

Pagpapa-opera ni Cherie Gil naudlot na naman

Aliw si Cherie Gil dahil naligaw sa pictorial ng Legacy at sa halip na sa studio ng GMA Network kung saan ang pictorial, nakarating sa 4th floor dahil daw sa kadaldalan niya. Dahil sa bagong show, hindi na naman matutuloy ang pagpapa-opera niya ng kanyang throat.

Star-studded ang Legacy sa direction ni Jay Altarejos na naglalagare sa pagdidirek ng Kung Aagawin Mo ang Lahat Sa Akin. First time ring magkakasama sina Cherie at ang mga pamangking sina Geoff Eigenmann at Sid Lucero.

Gaganap si Dennis Trillo na batang ama nina Lovi Poe, Heart Evangelista at Alessandra de Rossi at ina nila respectively sina Bianca King, Chynna Ortaleza at Maritoni Fernandez. Pagtanda ni Bianca, si Jackilou Blanco na ang gaganap sa role niya, si Cherie sa role ni Chynna. Si Robert Seña naman ang matandang Dennis.

Stef tinalbugan sa paseksihan sina Lovi, Carla, at solenn

Panalo ang pictorial ni Stef Prescott para sa White Castle at may isa siyang lay-out na talo ang pagpapa-sexy nina Lovi Poe, Carla Abellana at Solenn Heussaff, sa ka­ni-kanyang calendar for Red Horse, Tanduay, and Gi­nebra San Miguel.

Itinago kaya ng nine castaways na ka­sama ni Stef sa Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown ang ibinigay niyang calendar? Hindi ba nagsasagutan sa Twitter ang Final 10 castaways at tinawag pa siya ni Mara Yokohama na flirt at nagpapa-sexy sa boys?

Hindi nasaktan si Stef sa akusasyon ni Mara dahil may freedom ang lahat to ex­press their opinion, saka friends na raw silang dalawa ngayon. Owws, hindi nga?

Rachelle Ann ayaw munang magpaligaw

Sabay na guest sa isang episode ng Kusina Mas­ter ni Chef Pablo ‘Boy Logro ang best friends na sina Kyla at Rachelle Ann Go. Certified na hindi ma­gagaling magluto ang dalawa at ang master lang ilu­to ng una ay kare-kareng may sabaw at ang huli ay gising-gising.

Nakuwento ni Kyla na sa June pa ang honeymoon nila ni Rich Alvarez at two kids lang ang gusto niya dahil mahirap magpalaki ng anak. Tsika pa nito, dinadaganan siya ng asawa sa pagtulong at dahil malaking tao, hindi siya makakilos.

Dapat may musical uling gagawin si Rachelle na hin­di natuloy dahil pahinga muna siya at pinaghahandaan ang concert niya next year. Pahinga rin siya sa lovelife at pag may nagpaparamdam, pinapatigil niya agad.

Mapapanood ang Kusina Master Monday to Friday, starting January 2, 2012 bago ang Eat &Bulaga.

vuukle comment

BIANCA KING

CARLA ABELLANA

CHEF PABLO

CHERIE GIL

CHYNNA ORTALEZA

DINGDONG DANTES

LOVI POE

SHY

STEF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with