^

PSN Showbiz

Asiong hindi na nag-e-expect ng tulong kina Carla at Ipe

RATED A - Aster Amoyo -

Hindi na inaasahan pa ni Governor ER Ejercito na makakasama niya sa karosa ng Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story sina Carla Abellana, Phillip Salvador at Direk Tikoy Aguiluz sa Parade of the Stars on Dec. 24 bilang hudyat ng pagsisimula ng Metro Manila Film Festival (MMFF). Si Ipe ay tiyak na nasa karosa ng Panday 2 ni Sen. Bong Revilla, Jr. na entry ng GMA Films at Imus Productions at si Carla naman sa Yesterday Today and Tomorrow ng Regal. 

Without him wanting it, napaka-controversial ng movie ni Gov. E.R. Nagtampo sa kanya si Ipe, si Mother Lily Monteverde at itong huli, ang director ng pelikula na si Tikoy Aguiluz. 

Sana lang, Salve A., makatulong ang kontrobersiya sa performance ng pelikula sa takilya sa pagbubukas nito sa December 25.

Gloria wala pang planong magpahinga sa pag-arte

At 78, wala pang planong mag-retiro ang veteran movie queen na si Gloria Romero na gumaganap na Lola Ana sa TV series na Munting Heredera ng GMA.

Ang desisyon ni Gloria na magpatuloy sa kanyang trabaho ay nauunawaan ng kanyang kaisa-isang anak na si Marites at kaisa-isang apong si Christopher. Hindi kasi sanay si Gloria ng walang ginagawa.

Identified man si Gloria sa mga programa ng Dos, nagpapasalamat din siya na nabigyan siya ng pakakataong makapagtrabaho sa Kapuso Network sa pamamagitan ng Munting Heredera now running on it’s 7th month sa ere.

Sam napiling ‘tagapagmana’ ni Gary V.

Nang minsang tanungin si Gary Valenciano kung sino among the young male stars ang nakakakitaan niya ng potential na puwedeng sumunod sa kanyang mga yapak, walang kagatul-gatol na sinabi ni Gary na si Sam Concepcion. Sam is not only a good singer-performer tulad ni Gary kundi napakahusay din nitong sumayaw. Si Sam ay nasa pangangalaga ng Stages with Carlo Orosa as his manager but being co-managed with Star Magic ng ABS-CBN. Although gumagawa rin si Sam ng pelikula under Star Cinema, hindi ito exclusive kaya puwede siyang gumawa sa ibang film outfit tulad ng Regal Films. 

Pero kamakailan ay pinapirma siya ng contract ni Mother Lily Monteverde along with colleague, Enrique Gil. 

Direk Marilou matindi ang pinagdaraanan

Matindi ang pinagdaraanan ngayon ni Direk Marilou Diaz-Abaya na patuloy pa ring nakikipaglaban sa kanyang sakit na breast cancer. Isa si Direk Marilou sa pinakamahusay na director sa kanyang hene­rasyon at isa sa mga paboritong director ng actor-director-producer na si Cesar Montano. 

Sa laki ng gastos ng pagpapagamot ni Direk Marilou kasama ang chemo therapy, walang choice ang kanyang pa­milya kundi ibenta ang kanilang bahay sa Horseshoe Village sa Quezon City at saka sila bumili at lumipat sa isang apartment. 

Si Direk Marilou ay asawa ng cinematographer na si Manolo Abaya at ina ng singer-actor na si Marc Abaya and a younger brother

ASIONG SALONGA STORY

BONG REVILLA

CARLA ABELLANA

CARLO OROSA

CESAR MONTANO

DIREK MARILOU

DIREK MARILOU DIAZ-ABAYA

MOTHER LILY MONTEVERDE

MUNTING HEREDERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with