Shamcey game kay Piolo!
Kamakailan ay nahirang si Shamcey Supsup bilang Ambassador for Architecture ng National Commission for Culture and the Arts. Masayang-masaya ang beauty queen para sa bago niyang adhikain. “Siyempre noong nakita ko ‘yung invitation na ‘yun hindi na ako nagdalawang-isip. Kasi as an architect it’s everyone’s dream to become an ambassador for architecture and to express kung gaano kahalaga ito sa society. Kasi marami ang hindi nakaka-appreciate kung ano ‘yung ginagawa ng arkitekto, kung ano ang use ng building sa paligid natin,” pahayag ni Shamcey.
Nangangahulugan kaya na wala na talagang balak ang dalaga na pasukin ang entertainment industry katulad ng kanyang kaibigan at beauty queen din na si Venus Raj? “Lagi po akong tinatanong pero sa ganitong bagay talaga ako nag-e-enjoy. Kasi kanya-kanyang expertise naman ‘yan eh. Sa akin, kung papasok man ako sa ganoong larangan, kailangan talagang paghandaan at hindi lang basta-basta. Ako naman, never akong nag-teatro, wala naman akong alam pero kung gugustuhin naman kaya siguro, given enough time talaga kung magtutuluy-tuloy ako. It’s going to be something I will be prepared for muna at hindi lang basta sasabak pero I don’t know if I’m going to be comfortable with the camera, hindi ko alam,” pagtatapat ng beauty queen.
Kung mabibigyan daw ng acting project si Shamcey ay si Piolo Pascual ang gusto niyang maging leading man.
Billy hindi first time iiwan si Nikki
Nakatakdang pumunta si Billy Crawford sa ibang bansa early next year para mag-launch ng kanyang bagong album.
Medyo matatagalan ang singer sa abroad pero sisikapin pa rin daw niyang bumalik-balik sa Pilipinas dahil sa kanyang mga proyekto dito. “Hindi ko naman puwedeng iwan ‘yung meron dito sa ABS-CBN para sa akin,” bungad ni Billy.
Matagal-tagal ding mawawalay ang singer sa kanyang kasintahang si Nikki Gil ngunit wala naman daw dapat ikabahala ang dalaga. “I don’t think I have anything to worry about on my part. Wala rin siyang kailangang alalahanin tungkol sa akin. I think matanda na ako para diyan, para sa high school games na long distance relationship. Kung gugustuhin naman ng tao magiging mahirap, kung gugustuhin ng isang tao na maging mas mabuti then they’re going to work to make it work,” paliwanag ng binata.
Hindi rin daw ito ang kauna-unahang pagkakataon na iiwan niya pansamantala si Nikki. “It’s not the first time, we’ve had two months apart sa show noong nasa tour ako ni Sarah Geronimo. So two months ‘yon so it’s not the first time,” dagdag pa ni Billy.
Dito rin daw magpa-Pasko sa Pilipinas ang pamilya ni Billy at binabalak nila ni Nikki na magkasama ang kanilang mga pamilya sa ngayong holiday seasons. Reports from James Cantos
- Latest