Kutitap nag-umpisa na
MANILA, Philippines - Isang maligayang Paskong punong-puno ng sigla ang dala ng Ballet Manila sa buwang ito para sa lahat ng mga tagapagtangkilik ng Star City. Simula noon Disyembre 18, mapapanood ng libre ang Kutitap – isang espesyal na “all-Filipino” Christmas ballet na kalulugdan ng buong pamilya.
Mula sa pangunguna ng tanyag na prima ballerina at artistic director na si Lisa Macuja-Elizalde, itinatampok ang buong pangkat ng Ballet Manila na magpapakita ng iba’t ibang tagpo ng Pasko sa pamilya at lipunang Pilipino, sa saliw ng mga ’di malilimutang awiting pamasko na inareglo ni Arnold Buena. Samahan ang isang anghel na nagkatawang-tao upang hanapin ang tunay na diwa ng Pasko sa makabagong galaw ng mundo at nag-iibang anyo ng mga pamilyang Pilipino. Kabilang sa mga choreographers na sama-samang bumuo ng Kutitap sina Lisa, Osias Barroso, Rudy de Dios, Gerardo Francisco, Nino Guevarra, Michael Divinagracia, Ricardo Mallari, Romeo Peralta at Roduardo Ma.
Isama ang buong pamilya, tropa at barkada sa Star City ngayong kapaskuhan upang mapanood ang Kutitap sa Aliw Theater sa mga araw at oras na ito: Dec. 18-23 at 26-30 (7:30 p.m.), Dec. 25 (2pm, 4pm, 6pm, 8pm) at Enero 1 (5 p.m., 8 p.m.). Ang mga palabas ay pawang libre sa mga tagapagtangkilik ng Star City. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa 832-3713. Ang Star City ay nasa CCP Complex, Roxas Boulevard, Pasay City.
- Latest