Juday at Ryan 'pinayagan' nang mag-promote sa ASAP
MANILA, Philippines - Magpapasiklaban na naman ngayong Linggo (Disyembre 18) ang mga naglalakihang bituin ng ASAP Rocks sa taunang nitong ASAP That’s Christmas.
Sa That’s Christmas 2011 episode ng top-rating musical variety show ng ABS-CBN, abangan ang tagisan ng tatlong grupong binubuo ng mga bigating concert performers - Team Paaak, One, Team Alive, at Team 3 of Life upang tanghaling ultimate champion ngayong taon; gayun din ang pagsasama-sama ng box-office royalties ng 2011 Metro Manila Film Festival kabilang ang My House Husband couple Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo; Segunda Mano co-lead star na si Angelica Panganiban; Shake Rattle and Roll 13 cast na sina Eugene Domingo, Kathryn Bernardo, at Maricar Reyes; at Enteng ng Ina Mo comedy icons na sina Vic Sotto at AiAi delas Alas.
Huwag ring palampasin ang sunod-sunod na kantahan tampok sina Gary Valenciano, ZsaZsa Padilla, Vina Morales, Piolo Pascual, Sarah Geronimo, Nikki Gil, Karylle, Robin Nievera, Zia Quizon, ASAP Sessionistas, ASAP Pinoy Champs, at Boys R Boys.
Samantala, magpapasikat rin sa That’s Christmas 2011 episode ang ASAP Supahdancers na kinabibilangan nina Gerald Anderson, Shaina Magdayao, Rayver Cruz, Iya Villania, Sam Conception, Enrique Gil, Erich Gonzales, Jessy Mendiola, Empress, at John Prats sa isang epic dance battle.
Itodo na ang pagdiriwang kasama ang dance groups na G-Force, XB Gensan, Boyz Unlimited, Happy Feet, Freestylers, at UP Pep Squad samantalang magdiriwang naman ng ika-15 taon niya sa industriya ang Kapamilya leading man na si Jericho Rosales.
Maki-Pasko na sa ASAP Rocks ngayong Linggo, 12:15 nn, sa ABS-CBN.
- Latest