^

PSN Showbiz

Premyo sa MMFF tinaasan na!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Sa 37 years ng Metro Manila Film Festival (MMFF) sa pamumuno ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman na si Atty. Francis Tolentino ay malaki na ang inunlad at ipinagbago nito kung saan nadagdag ang pagpapalabas ng mga indie film at best student short films kung saan ang mananalo sa kategoryang ito ay magkakamit ng P100,000, at P25,000 para sa student short film na ang premyo ay mapupunta sa eskuwelahan na kinatawan ng filmmaker.

Para sa gantimpala naman sa best picture ay may P800,000 na makakamit, P550,000 (second prize), at P300,000 (third prize). Para sa Gatpuno Villegas Award ay may nakalaang P550,000 at para sa best actor, actress, director, screenplay ay may P100,000, at sa best supporting actor, actress, child performer, at technical winners naman ay P50,000.

Sa Dec. 24 ang Parade of Stars na magsisimula sa Esplanade para sa mga participants. Sa Dec. 28 naman ang inaabangang Gabi ng Parangal na idaraos sa Resorts World Performing Arts Theater hosted by AiAi delas Alas at Cesar Montano. Magkakaroon ito ng telecast sa Jan. 1 sa ABS-CBN at 10:30 p.m.

Pokwang panay-panay pa rin ang emote

Magbibida na si Pokwang bilang isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa A Mother’s Story ng TFC o The Filipino Channel ng ABS-CBN at distributed ng Star Cinema. Sa Q and A, nakanti ang puso ni Pokwang kaya panay ang iyak nito dahil naka-relate sa pelikula.

Kapag bumabalik ang nakaraan kung saan namatay ang anak niya habang nasa abroad ay hindi nito talaga mapigilang umiyak.

Palabas na ang A Mother’s Story sa Jan. 8.

A MOTHER

CESAR MONTANO

FILIPINO CHANNEL

FRANCIS TOLENTINO

GATPUNO VILLEGAS AWARD

JAN

METRO MANILA FILM FESTIVAL

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

POKWANG

SA DEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with