WiFi zone regalo ng PLDT
MANILA, Philippines - Proud na ibinalita ng mga young ambassadors na sina Isabel Oli, Sarah Lahbati, Rocco Nacino, at Daiana Menezes na hanggang Jan. 15 ay mai-enjoy ng PLDT landline at myDSL subscribers ang libre at unlimited na WiFi sa mahigit 2000 hot zones sa Metro Manila na nag-upgrade na sa super bilis na PLDT WiFi Zone.
Eksaktong pang-regalo ito ng higanteng kumpanya para sa loyal na customers. Ang ilan sa mga restaurants na may hot spot para makapag-WiFi ay Max’s, Yellow Cab Pizza, Army Navy, at Burger King; coffee shops tulad ng Figaro; shopping-commercial centers tulad ng Eastwood City, Greenhills Shopping Center, at Araneta Center; at kasama rin ang Resorts World’s Republiq at Opus, PC Express, Toyota Dealers, Bruno’s Barber Shop, Cardinal Santos Hospital, Medical City, Petron sa Filinvest, Alabang, at PLDT business offices.
Ang gagawin lang para makuha ang holiday treat ay mag-register sa www.pldtwifizone.com. Dito makukuha ang WiFi username at password.
“This new service is like an extension of our subscribers’ Internet connection at home. Now they can experience premium WiFi service even outside their home,” sabi ng PLDT VP for Data Acquisitions Retail Business Group na si Gary Dujali.
Hanapin lang ang WiFi Zone logo kapag nasa shopping centers na.
- Latest