^

PSN Showbiz

Jinkee van na may kuwarto at banyo ang birthday gift kay Pacman

- Veronica R. Samio -

Kapag nagkataon, baka hindi pa matuloy ang binabalak na pagpunta ng buong pamilya ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa Europe ngayong Kapaskuhan.

Nauna na nilang binalak na sa labas ng bansa ipagdiwang ang holiday season pero dahil sa sob­rang lamig na baka hindi kayanin ng mga anak niya kung kaya nag-aalala ang mag-asawa na ituloy ang European holiday nila. Kung hindi man matuloy ang pagpunta nila sa Europa at dito na lamang mag-Pasko o baka palitan nila ang kanilang place of destination ang siyang pinag-iisipang mabuti ng mag-asawa hanggang sa sinusulat ito.

Samantala, bongga naman ang naging birthday gift ni Jinkee kay Manny. Isa itong van/camper na may sariling comfort room at bedroom. Makapagpapahinga na si Manny ng husto kapag nasa labas siya at ginaganap ang pagiging host ng Manny Many Prizes. The van will also afford him the chance na makabawi sa mga tulog na nawawala sa kanya dahil kung hindi siya nagpa-practice para sa isang laban ay abala siya sa marami niyang gawain bilang congressman ng Sarangani.

Kung sa labas siya nagpapahinga in between his takes, hindi rin siya makapagpahinga ng lubusan dahil palaging maraming bisita at hindi naman siya makapagkait ng kanyang panahon, lalo’t karamihan sa mga pumapasyal sa kanyang game show ay gusto siyang makausap, magpakuha ng larawan kasama siya at makapag-papirma ng autograph.

Kapag nasa loob siya ng kanyang bagong sasakyan ay mag-iisip muna sila ng makalawa bago nila siya maabala.

Jimmy Santos magda-drama sa MMK

Muling mapapanood sa Kapamilya Network ang beteranong komedyanteng si Jimmy Santos ng Eat Bulaga. Una siya nakita sa pelikula ni Vice Ganda na Private Benjamin. Na-impress marahil sa kanya si Direk Wenn Deramas kung kaya kinuha siya nito uli para magbida sa the longest running drama anthology kasama ang batang aktor na si Joseph Marco sa Panganay episode ng Maalaala Mo Kaya mamayang gabi.

Saksihan kung papaanong ang pagkakakulong ng mga magulang ang mismong nagiging dahilan ng anak upang magsumikap at lumaban sa buhay sa ngalan ng kanyang mga kapatid.

Kasama nina Jimmy at Marco sina Susan Africa, Nikki Bagaporo, Ma­kisig Morales, Barbie Sabino, Dang Cruz, Neil Sese, Racquel Villavicencio, Crispin Pineda, Elaine Quemuel, at Jovic Susim. Ang episode ay sinulat ni Benson Logronio.

Susan naaawa sa nangyari kay CGMA

Sana matupad ang kahilingan ni Susan Roces na maproklama ang kanyang asawang si Fernando Poe, Jr. bilang ika-14 na pangulo ng Pilipinas. Ito naman ay kung lumabas na ang kabuuan ng resulta ng eleksiyon nung 2004 na sinasabing dinaya ni Cong. Gloria Macapagal-Arroyo.

Nakamatayan man ng aktor ang hindi magandang resulta ng ginawa niyang pagpasok sa pulitika, maiwawasto naman ang kasaysayan ng bansa.

Inamin ng itinuturing na isa sa mga reyna ng pelikulang Pilipino na kahit wala na siyang galit kay CGMA, hindi nawawala sa kanyang isip ang ginawa nito.

Nakakaramdam siya ng kurot sa puso kapag tinatawag nila siyang former president. Pero mas higit ang naramdaman niyang awa para sa asawa nang mapanood niya ang ginawa ni CGMA na tangkang pag-alis sa NAIA.

Tuloy nagdududa siya kung totoo ngang may sakit ito o wala.

“Naaawa ako sa mga pinagdadaanan niya dahilan sa mga ginawa niya,” sabi niya.

vuukle comment

BARBIE SABINO

BENSON LOGRONIO

CRISPIN PINEDA

DANG CRUZ

DIREK WENN DERAMAS

JIMMY SANTOS

KUNG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with