Aktres suko na sa mga bagets na dyowa, napagod sa kakagastos sa mga karelasyong walang datung
Nag-promise sa sarili ang sikat na aktres na hindi na siya makikipagrelasyon sa mhin na mas bata sa kanya.
Ang say ng aktres, napagod na siya sa pagbabayad kapag may date sila ng kanyang young ex-boyfriends. Nakaramdam na siya ng hiya sa sarili kaya idineklara niya na no more young boyfriends for her.
Maganda at masaya na kasama ang aktres kaya imposible na hindi siya makakita ng mhin na magmamahal ng tapat at gagastusan siya sa kanilang mga date.
Sa wakas, nagising sa katotohanan ang aktres at sana mapanindigan niya ang pangako sa sarili.
Pacman magpapa-raffle na naman ng brand new car
Talk of the town ang Christmas party ng staff ng Manny Many Prizes dahil sa P1.3 million na ipina-raffle ni Congressman Manny Pacquiao.
Walang umuwing luhaan dahil nag-win ang lahat sa bonggang raffle draw na ginastusan ni Papa Manny.
Kalahating milyong piso ang donasyon ni Papa Manny sa Christmas party ng GMA 7 para sa entertainment press at P1.3 million ang ibinigay niya sa Christmas party ng Manny Many Prizes staff. Halos dalawang milyong piso ang nagastos ni Papa Manny at hindi pa kasama ang mga donasyon niya sa mga nag-solicit sa kanya.
Ganyan ka-generous si Papa Manny kaya very blessed siya.
Ngayon ang birthday ni Papa Manny kaya “Happy, happy birthday!” sa kanya. Magkakaroon siya ng bonggang selebrasyon sa bayan niya sa Gen. Santos City at kung tama ang hinala ko, magpapa-raffle uli siya ng brand new car tulad nang nakaugalian niya.
I’m sure, libu-libo ang mga tao na babati kay Papa Manny pero isa lang ang gusto kong makita, si Mommy Dionisia Pacquiao na palaging naghahanda ng dance number para sa kanyang anak.
Kris nag-a-ambisyong maging leading lady ni Bong
Kung mabibigyan ng chance, type ni Kris Bernal na maging leading lady ni Sen. Bong Revilla, Jr., kahit may mga balita na natitipuhan siya ni Jolo Revilla.
Co-star ni Bong si Kris sa Panday 2 pero iba pa rin kung siya ang lead actress ng pelikula.
Napansin kaya ni Kris na malaki ang pagkakahawig ni Bong sa kanyang ex-boyfriend na si Jay Perillo? Puwedeng mapagkamalan na kapatid ni Bong si Jay dahil sa kanilang strong resemblance.
Asiong premiere night may malaking pasabog
Mahigpit ang imbitasyon ni Jobert Sucaldito para sa premiere ng Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story na gaganapin ngayong gabi sa SM Manila Cinema.
Ang sabi ni Jobert sa akin, may malaking sorpresa na mangyayari sa premiere night ng pelikula ni Laguna Governor Jeorge Estregan.
Siyempre, curious ako sa pralala ni Jobert. Magpapa-raffle ba uli si ER o mas bongga pa ang magaganap?
Invited ako sa premiere night ng Asiong Salonga pero hindi ako pupunta dahil bukod sa malayo ang lugar, siguradong matindi ang trapik. Baka magtampo sa akin si Papa Miguel Belmonte dahil hindi ako nakarating sa PSN Christmas party noong Huwebes pero sinipot ko ang premiere night ng pelikula ni ER.
- Latest