^

PSN Showbiz

Pati kapatid ginagatasan, aktres nabuking na manggagamit, minumura-mura ng actor-TV host

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Maraming hinihiling si Sen. Bong Revilla, Jr. ngayong Pasko, at para ito sa pamilya nila.

Ayaw na niyang idetalye ang lahat dahil alam ng lahat kung ano ang pinagdaanan ng pamilya.

Pero ang pinakahihiling nito sa lahat ay maging masaya lang daw sana ang kanilang ama.

Okay naman ngayon ang dating Sen. Ramon Revilla, Sr. pero alam nilang malungkot ito, kaya lahat ay gagawin nilang magkakapatid para maging masaya ito.

Dahil Christmas break ngayon sa Senado, naka-focus si Sen. Bong sa promo ng Panday 2 na hinuhulaang magna-No. 1 sa box office.

Sa Dec. 21 ang premiere night nito na pinag-uusapan pa kung ilang sinehan sa SM Megamall ang kailangan para ma-accommodate ang lahat na gustong manood.

PAK: Bongga si magandang female celebrity na dating kinahuhumalingan ni actor-TV host. Isang bagong kotse ang ibinigay sa kanya at marami pang regalong kasunod. Pero ngayon ay nagmumurahan na sila sa text.

Nalaman kasi ni actor-TV host na hindi lang siya ang ginagatasan ni pretty female celeb kundi may iba, at ang the height, ang kapatid pa niya.

Ang galing-galing ni female celeb. Pero ngayon, katakut-takot na mura ang inabot niya kay actor-TV host.

BOOM: Kasong attempted kidnapping ang ikinaso ni Annabelle Rama laban kay Nadia Montenegro.

  Ito ay kaugnay sa tangkang pagpapahuli ni Nadia kay Tita Annabelle pagkatapos magwala ng huli sa harap ng fiscal nung huling pagkikita nilang dalawa.

 Hindi natuloy ang pagpapahuli ni Nadia kay Tita Annabelle na kung saan may dala itong napakaraming pulis sa kanyang tanggapan sa Imperial Palace.

Wala kasing warrant of arrest kaya hindi ito pinapasok ng mga security guards.

Kaya attempted kidnapping ang sagot nito sa child abuse sa kaso naman ni Nadia kay Tita Annabelle.

ANNABELLE RAMA

BONG REVILLA

DAHIL CHRISTMAS

IMPERIAL PALACE

NADIA

NADIA MONTENEGRO

PERO

RAMON REVILLA

SA DEC

TITA ANNABELLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with