^

PSN Showbiz

Jolo itutuloy na ang panliligaw kay Kris

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Parang kinikilig si Kris Bernal nang napag-usapan ang balak ni Jolo Revilla na panliligaw sa kanya. Hinihintay lang ni Jolo na maging libre si Kris. Since kinumpirma na ng young actress na wala na sila ni Jay Perillo, interesado na naman si Jolo.

Siyempre, aprub na aprub naman si Sen. Bong Revilla, Jr. na maging girlfriend ng kanyang anak si Kris.

PAK: Sa Viva Artists Agency na si KC Concepcion.

Matagal na umano ang nasabing plano ni KC dahil hindi na siya nabibigyan ng magandang project. May gagawin pa siyang teleserye sa ABS-CBN na Alta.

BOOM: Wala si Susan Roces sa misa para sa 7th death anniversary ng Da King Fernando Poe, Jr. na ginanap sa North Cemetery kahapon ng uma­ga.

Ang anak nilang si Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chair Grace Poe-Llamanzares ang isa sa mga dumalo kasama ang dating Pangulong Joseph Estrada.

Kaswal na sinagot ni MTRCB Chairman Grace ang pagkikita nila ni Lovi Poe sa presscon ng Metro Manila Film Festival (MMFF) kamakalawa ng hapon.

Nagkita naman sila sa isang pagtitipon five years ago at okay naman daw sila.

Gaya niya, siguradong nami-miss din ni Lovi ang kanilang ama kaya okay lang kung dadalaw doon sa puntod ang aktres.

Balak ni Lovi na dumalaw sa puntod ni FPJ pagkatapos ng taping niya kahapon.

vuukle comment

CHAIRMAN GRACE

DA KING

FERNANDO POE

GRACE POE-LLAMANZARES

JAY PERILLO

JOLO

JOLO REVILLA

JOSEPH ESTRADA

KRIS BERNAL

LOVI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with