^

PSN Showbiz

Kris naghahangad ng number 2­

- SEEN SCENE -

Seen : Ang wish ni Kris Aquino na mag-number 2 sa box office race ng 2011 Metro Manila Film Festival ang Segunda Mano. Tanggap ni Kris na ma­laki ang tsansa na maging number one sa MMFF ang Enteng ng Ina Mo, ang filmfest entry nina AiAi Delas Alas at Vic Sotto.

Scene : May mga tumaas ang kilay sa dialogue ni Kris Aquino sa presscon ng Segunda Mano na walang mawawala sa kanyang ex-husband na si James Yap dahil lalake ito at may mawawala sa kanya dahil Aquino siya.

Seen : Hindi na itinatago ni Genelyn Magsaysay ang kanyang sama ng loob kay Jannelle Manahan dahil sa statement nito na schizoprenic siya. Sa kasamaang-palad, iilan lamang ang nakikisimpatiya sa ina ng pinatay na aktor na si Ramgen Revilla.

Scene : Hindi pa pinapalitan si Rhian Ramos bilang kapareha ni Dingdong Dantes sa The Beloved at ayon ito sa isang production insider. Tatagal lamang ng weeks ang press statement na pagpapahinga ni Rhian sa showbiz, hindi months.

Seen : Bumalik kahapon sa Pilipinas ang Thai actor na si Mario Maurer para sa encore ng Summer 2012 Fashion Show ng Penshoppe. Si Mario ang bagong celebrity endorser ng Penshoppe.

Scene : Moron 5 ang bagong pelikula ng Viva Films na pagbibidahan nina Marvin Agustin, Luis Manzano, Billy Crawford, Kean Cipriano, at DJ Durano na dahil kasali sa cast, given na si Wenn Deramas ang direktor ng project.

BILLY CRAWFORD

DELAS ALAS

DINGDONG DANTES

FASHION SHOW

GENELYN MAGSAYSAY

INA MO

JAMES YAP

JANNELLE MANAHAN

KRIS AQUINO

SEGUNDA MANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with