^

PSN Showbiz

Kasabay ng tattoo sa leeg, Vice Ganda, nagpalit na ng manager

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Noong Lunes ay pumirma ng two-year exclusive contract si Vice Ganda sa Kapamilya network kasama ang kanyang bagong manager na si Deo Endrinal.

Nagkaroon kaya ng matinding problema ang komedyante sa kanyang dating manager at kaibigan na si Ogie Diaz? “Hindi naman kami nagkaroon ng problema o hindi kami nahirapan kasi smooth naman ‘yung pagtu-turn over from lahat ng mga trabaho at lahat ng obligasyon from Ogie to Sir Deo. Maayos naman at saka alam ko naman na I am in good hands kasi kaming dalawa ni Ogie ang nagdesisyon nito eh,” paliwanag ni Vice.

Hindi raw nahirapang umalis ang komedyante sa poder ni Ogie dahil matalik silang magkaibigan. “It wasn’t hard at all dahil hindi nga ito biglaan eh. Naging proseso siya, proseso naming dalawa ni Ogie. Hindi mahirap, hindi kami nag-away. Maganda ‘yung naging pag-uusap namin. Nagtutulungan kami hanggang ngayon, tinutulungan pa rin naman ako ni Ogie eh. Wala namang nagbago masyado eh, parang ‘yung trabaho lang naibigay lang kay Sir Deo pero ‘yung relasyon namin parang wala namang masyadong nagbago,” giit pa ni Vice.

Samantala, marami ang nakakapansin ngayon sa bagong tattoo ni Vice sa kanyang leeg. Matatandaang nagpa-tattoo na siya noon ng pulang star sa kamay. “Noon pa ito eh, kasi ito ‘yung para sa concert ko sa Araneta at ang daming nagsunud-sunod, ‘yung Gandang Gabi Vice, ‘yung movie, ang dami, so deserve ko ulit ng star. Matagal ko nang gustong magpalagay pero wala lang time at walang okasyon na paglo-launch-an ko kaya sabi ko tamang-tama maga-grand finals ang Showtime. Masyado akong fascinated sa stars. Malaking bagay sa akin ang bituin kapag nakakakita ako ng bituin. Natutuwa ako kahit sa damit lang, kahit sa drawing masyado akong natutuwa sa kanya,” pagtatapos ng komedyante.

Piolo sa Pilipinas magpa-pasko kasama ang buong pamilya

Wala raw planong magbakasyon sa ibang bansa si Piolo Pascual ngayong kapaskuhan. Sa Pilipinas daw siya magdiriwang ng Pasko kasama ang kanyang buong pamilya. “We’re spending it here, dito lang. Some of my nieces and nephews just arrived from the States and my sister is arriving next week, magkakasama kami rito. Even my mom has been here since last month and magkakasama ‘yung buong family ko rito sa Manila,” pahayag ni Piolo.

Paano kaya ise-celebrate ng mga Pascual ang kanilang Pasko ngayong taon? “It’s very simple. Usually we have a traditional na Christmas dinner, ‘yung noche Buena. I have five siblings so kung sino matoka na bahay, doon kami and after Christmas kasi may kanya-kanyang pamilya rin. We usually go out of town but this year we decided na dito kami sa Pilipinas so lahat ng pamilya ko pati ang mga bata and my mom, we’re going out of town after Christmas,” kuwento ng aktor. - Reports from JAMES C. CANTOS

DEO ENDRINAL

GANDANG GABI VICE

KAMI

LSQUO

NOONG LUNES

OGIE

OGIE DIAZ

SIR DEO

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with