FAMAS pang-Facebook at Twitter na lang
Pang-Facebook at Twitter na lang ang FAMAS. Hindi na ito kino-cover ng print media. Wala naman kasing nakaalam na may FAMAS pala. Sa social networking sites na lang naglitawan ang mga nanalo. Tapos na pala.
Dating may prestige ang FAMAS pero tuluyan na itong naglaho. Pinag-aagawan pa ng dalawang grupo.
Direk Boots naka-40 days na
Naka-40 days na pala since nag-join sa ating Creator si Direk Boots Plata. Last Sunday, nagkaroon ng salu-salo sa Vera Perez Garden para kay Direk Boots. Present ang mga barkada’ nila ng misis niyang si Tita Dolor Guevarra sa pangunguna ni Ms. Charo Santos-Concio, Ms. Susan Roces, Mr. Danny Dolor, Ms. Cory Vidanes, Direk Maryo delos Reyes, at marami pang iba.
Humabol ang mag-asawang Annabelle Rama and Eddie Gutierrez.
Hindi na nagluluksa ang mga naulila ni Direk Boots. Si Tita Dolor nga, naka-orange na ng damit.
“Ayaw niyang magluksa kami. Sinabi niya ’yun sa amin,” say ni Tita Dolor na tumatayong manager ni Ms. Susan Roces.
Saka sa 40 days nitong wala na, never itong nangparamdan o napanaginipan nila ng mga anak niya. “Kasi maligaya na siya dun. Parang si FPJ (Fernando Poe Jr.). Kahit isang beses hindi siya nagparamdam kay Manay Inday (Susan Roces),” say ni Tita Dolor.
Mr. Manhunt philippines naghahanap ng mga sasali
Nagkaroon ng launching last Sunday ang search for Mr. Philippines Manhunt International 2012.
Ito bale ang formal launching ng nasabing search na maglilibot sa buong Pilipinas para maghanap ng mga sasali – provincial and regional searches at series of auditions sa buong bansa.
Thirty ang hinahanap nilang matitipunong lalaki, 18 hanggang 27 at hindi bababa ang height sa 5”10’. Siyempre dapat pang-model ang hitsura.
Magsisimula ang mga go-see at auditions sa Metro Manila sa February pero maaga silang nagkaroon ng launching para makapaghanda ang gustong sumali.
Ang mananalo sa local search at sa Metro Manila ay maglalaban-laban sa isang malaking pageant na gaganapin sa June sa Manila. Bongga rin ang premyo – P200,000 — at may chance na mag-compete sa Mr. Manhunt International na gaganapin sa China.
Ang Mr. Philippines Manhunt International 2012 ay produced ng High Street Fashion Models and Entertainment Management na pag-aari ni Precious Ann Medina na isang nurse by profession sa London pero bata pa lang ay pangarap na niyang maging produ ng ganitong pageant. Kaya kahit nasa London siya, hindi niya iniisip ang gastos sa pabalik-balik ng bansa at London.
Si Ron Marvin ang 2011 Mr. Manhunt ay ‘handpicked’ winner, as in hindi na dumaan sa pageant pero nakuha niya ang 9th place sa Mr. Manhunt International na ginanap sa Korea last September.
Sa mga interesadong mag-produce ng provincial search, puwedeng tumawag kay Mervin Alvaran sa 0917-4391185 or 0947-3206229.
- Latest