^

PSN Showbiz

Ate Vi ayaw maging 'Kapatid'

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

I’m sure masayang-masaya si Jennylyn Mercado. Tanggap na tanggap na siya ni Gov. Vilma Santos para sa anak nitong si Luis Manzano. Sinabi pa ng masipag na gobernadora na appreciate niya ang ginagawa nitong pagpapasaya sa kanyang binata. Ngayon pa lamang ay makikita na ni Jennylyn na hindi siya magkakaproblema kung ito man ang maging biyenan niya, aprubado nito ang relasyon nila.

Kung lumipat man ng Singko si Sharon Cuneta, mananatili naman ng Dos si Gob. Tinitingnan nito ang magandang ipinakita sa kanya ng network at ang effort nito na iadjust ang sked nila sa sked niya bilang gobernador.

Tahimik na Kapaskuhan

Pasko na! Napakatagal natin itong pinaghahandaan pero parang bigla ang pagdating nito. Anumang paghahanda natin ay hindi sapat para magawa natin ang lahat ng dapat nating gawin. Unang-una na ay kulang tayo sa pondo. Anumang pag-iipon ang gawin ko, parang hindi sapat para mapasaya ko ang maraming malungkot at nangangailangan.

Inaamin ko, napakahirap ang naging buhay ng marami sa 2011. Ganito siguro kapag nakikisama tayo sa layunin ni P-Noy na makagawa ng isang pamahalaang walang korapsyon, malaki ang kailangan nating isakripisyo pero sige hindi man tayo ang makinabang ngayon, ang mga apo at ang susunod na henerasyon siguro ang mabibiyayaan.

Sana lang ang susunod na mamamahala sa atin ay susundin din ang si­nimulan ng administrasyong Aquino kundi masasayang lang ang paghihirap natin.

Manalangin na lang ng kundi man masagana ay matahimik na Kapaskuhan.

vuukle comment

ANUMANG

AQUINO

GANITO

INAAMIN

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

KAPASKUHAN

LUIS MANZANO

SHARON CUNETA

VILMA SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with