^

PSN Showbiz

Madir ni Pauleen nag-react na pinagmukhang gold digger ang anak

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Ang ina na mismo ni Pauleen Luna na si Mommy Chat Luna ang nag-react sa lumabas na isyung kaya napasagot ni Vic Sotto si Pauleen dahil sa mga regalong ibinibigay ng sikat na komedyante.

“Parang gold digger naman ang anak ko niyan,” bulalas ni Mommy Chat.

“Ang daming nanliligaw na mayaman sa anak ko pero hindi niya pinapansin. Hindi naman kailangan ni Pauleen ang mga inireregalo sa kanya dahil kaya naman naming ibili ’yun sa kanya.”

Pagdating sa love life ng anak, hindi na niya ito pinapakialaman dahil 23 years old na ito at alam na niya ang tama at mali para sa kanya.

PAK: May ilang reaksiyon akong natatanggap sa plug ng Walang Hanggan ng ABS-CBN na kung saan lumalabas na magka-partner sina Coco Martin at Julia Montes.

Parang ang tanda na ni Coco para kay Julia na nakilala sa Mara Clara.

Dati ay itinambal din si Coco kay Sarah Geronimo sa Idol at hindi ito nag-click.

BOOM: Nagpa-interview via phone patch si DJ Mo Twister sa radio program ni Noel Ferrer sa 103.5 Wow radio nung isang umaga.

Halos ganun din ang mga nasabi niya sa huling statement na ipinadala nito sa ilang Internet bloggers.      

Ang bago lang sa mga sinabi nito ay nakikipag-date na siya ngayon sa New York.    

Gaya rin ni Rhian Ramos na may mga nakaka-date na rin noon bago pa pumutok ang mga isyung pinagpipiyestahan ngayon.

Nag-promote na rin si DJ Mo sa kanyang radio program sa Magic 89.9 FM na sisimulan niya sa Jan. 1. Mula New York ay live siyang mapapakinggan sa radio program na ’yun.

CHAT LUNA

COCO MARTIN

JULIA MONTES

MARA CLARA

MO TWISTER

MOMMY CHAT

MULA NEW YORK

NEW YORK

NOEL FERRER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with