^

PSN Showbiz

Dolphy hindi na puwedeng lapitan ng ibang tao

- Veronica R. Samio -

Ang balitang hindi comatose at wala sa ospital ang Hari ng Komedi na si Dolphy ay makapagbi­bigay hinahon, ligaya at pag-asa sa napakarami niyang tagahanga at tagasubaybay na binabalot ng lungkot sa mga naglalabasang items na bagaman at mga blind items ay malinaw na malinaw na nagtuturo sa komedyante na malubha raw sa ospital, hindi nakakausap at idinadalangin na umabot man lamang ang buhay sa Pasko.

Naku po, wala sa ospital ang komedyante! Kapag mas bumuti pa ang kanyang kalusugan, ay baka makapagtrabaho na rin siya.

Sa ngayon, kinakailangang niya ng lubos na pahinga. Sa bahay lamang nila siya nakakalabas at nakakapag-ikot-ikot dahil bawal na bawal sa kanya ang polusyon at makasagap ng mikrobyo.

Regular naman ang pag-iikot niya ng bahay bilang ehersisyo niya at nakakakain na raw siya, ayon sa isang kasamahan sa trabaho na malapit sa kanya at dating nagpi-PR sa kanya.

Marami na ang nakaka-miss kay Dolphy na tuwing ganitong magpa-Pasko ay paboritong puntahan ng mga tao. Ang komedyante ang isa sa pinaka-generous na artista. Bukas lagi ang kamay nito sa pagtulong hindi lamang sa miyembro ng kanyang pamilya, mga kasamahan sa trabaho at maski na mga hindi niya kakilala. Pero dahil nga sa kanyang kalagayan ngayon na hindi puwedeng humarap kaninuman at ma-expose sa mga mikrobyo at bakterya at mga hindi magandang elemento na hatid ng kalikasan, kailangang off limits muna siya sa maraming tao. Pero okay si Dolphy, nakakalakad-lakad pa, ‘yun nga lang sa kanilang bahay lamang at pamilya lamang ang puwedeng makalapit sa kanya.

BUKAS

DOLPHY

HARI

KAPAG

KOMEDI

MARAMI

PASKO

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with