Jun Jun ni Angelito, nadale sa Maynila
MANILA, Philippines - Napadpad na si Angelito (JM De Guzman) sa Maynila kasama ang anak na si Jun-Jun at dito mararanasan niya ang kasamaang dala ng pamumuhay sa siyudad. Isa na sa dagok na kanyang haharapin ang muntikang pagkakadukot sa kanyang anak. Ngunit, sa tulong ng bagong kaibigang sina Mervin (Jason Francisco) at Artur (Lemuel Pelayo), mababalik sa kamay ni Angelito si Jun-Jun.
Sa kanyang pagsabak sa panibagong mundo, ano pa kayang hamon ang kakaharapin ng mag-ama? Paano niya matutustusan ang pangangailangan ng sanggol?
Sa pagkakawalay niya kay Rosalie (Charee Pineda), papasok naman ang panibagong babae sa buhay niya, si Jenny (Kaye Abad). Ano ang magiging papel niya sa makulay na buhay ni Angelito? Walang bibitiw sa pinag-uusapang serye tuwing hapon, ang Angelito: Batang Ama, 3:30 p.m. pagkatapos ng Helena’s Promise sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.
- Latest