Famas nahati sa dalawang grupo!
Nagpadala sa akin ng press release ang pangulo ng Famas na si Eloy Padua sa gaganapin nilang awards night ngayong Dec. 10. Dito bibigyan nila ng parangal ang nga napili nilang pinakamagagaling na pelikula, artista, at technical people na tulad ng ginagawa ng maraming award-giving bodies na nauna na sa kanilang magbigay ng parangal.
Ang nakakagulo sa marami ay ang pangyayaring meron pa rin palang isang grupo na binubuo ng mga orihinal na miyembro ng Famas na ang plano naman ay magdaos ng reunion ng mga Famas Hall of Famers na tulad nina Gob. Vilma Santos at Eddie Garcia sa halip na ang tradisyonal na awards night. Isasabay din nito ang pagpapasumpa ng mga bagong opisyal ng gupo.
Asiong ima-market sa Amerika
Napaka-impressive ng trailer ng The Asiong Salonga Story na pinagbibidahan ni Gov. ER Ejercito Kahit naka-set ito sa panahon ng 50s, binigyan ito ng makabagong treatment ni Direk Tikoy Aguiluz kahit man lang sa theme song ng pelikula, ang Hari ng Tondo na ginawa at ni-rap ni Gloc9. Hindi man makapag-promote si Carla Abellana, magiging malaking tulong ang award-winning rapper para maipabatid sa lahat ang ikaapat na pagsasapelikula ng isang sikat na gangster ng Tondo na nagsilbing isang Robin Hood nung panahon niya dahil sa ginawa niyang pagnanakaw sa mga mayayaman para ibigay sa mga mahihirap kaya lang nabuhay ito sa baril at namatay ng batang-bata dahil din sa baril.
Maganda ang role ni Carla bilang orihinal na asawa ni Asiong Salonga. Nung kinuha ng Scenema Concepts ang serbisyo niya para sa pelikula ay walang nag-akala na magkakaproblema siya. May option ito na gumawa ng isang pelikula kada taon sa labas ng Regal. Asiong Salonga would have been her first outside assignment for 2011. Ang El Presidente na tungkol naman kay Gen. Emilio Aguinaldo ay sa 2012 pa ipalalabas kung kaya nagtataka si Gob. ER kung bakit hindi ito puwedeng mag-promote ng Manila Kingpin.
Sinabi rin ng gobernador at bida sa pelikula na wala namang naging problema sa shooting nila ni Carla. Napaka-propesyonal nito at lahat ng hiningi ng kanyang role ay ibinigay naman niya.
Nilagyan ng subtitle ang movie bilang paghahanda sa gagawing pagma-market nito sa Amerika – LA, Chicago, New Jersey — at sa Hong Kong.
Move ni Rhian na magbakasyon, makakabuti!
Maganda ang desisyon ni Rhian Ramos na magbakasyon muna para makapiling ang kanyang pamilya. Magandang move rin ito para lumamig ang napakainit na isyu na pinalutang ng kanyang ex na si Mo Twister bago ito iniwan ang kanyang matagumpay na career dito sa radyo at maging sa telebisyon at pumunta ng Amerika.
- Latest