^

PSN Showbiz

Flawless 10 years na!

-

MANILA, Philippines - Ang Flawless na isang paboritong aesthetic cli­nic sa bansa ay nagdiriwang ng ika-10 taon nito sa pagbibigay ng sinaliksik at epektibong pangangalaga sa balat para sa mga Pilipino.

Bilang pagdiriwang sa okasyon, nagbigay ang klinika ng malaking diskuwento sa mga paboritong produkto at serbisyo para sa 10 linggo bago sumapit ang Disyembre 8 na National Flawless Day.

Sa 10 linggong ito, (Disyembre 5-11), 10 sa mga paboritong produkto at serbisyo ng mga kustomer ng Flawless ay magbibigay ng hanggang 40% discount.

Kabilang dito ang popular Nano Power Peel, Electrocautery warts remo­val, Laser Hair Removal, at Skin Care kits. Kasama rin ang apat na bahagi ng holistic body slim­ming procedure, Shape & Sculpt, at ang orally-ingested skin­care line na Nutra­ceuticals. 

Itinatampok din sa pagdiriwang ang popular na Pick-A-Prize na, rito, ang mga kliyente ay makakapili ng giveaway sa bawat P1,500 na gagastahin sa anumang Flawless clinic.

Ang mga masuwerteng pasyente ay makapag-uuwi ng T-shirts, gift certificates, o Flawless facial soaps.

Para sa dagdag na impormasyon, tumawag sa 687-9118 o 584-6807 o bi­si­tahin ang Flawless sa Facebook (Flawless Face and Body) o sundan ito sa Twitter (MyFlawless).

ANG FLAWLESS

BILANG

DISYEMBRE

FACEBOOK

FLAWLESS

ITINATAMPOK

KABILANG

NATIONAL FLAWLESS DAY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with