^

PSN Showbiz

Juday pinagtatawanan lang ang pagnanasa ni Eugene kay Ryan

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Ikatutuwa ni Eugene Domingo ang mga pahayag nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos tungkol sa kanya. Crush ng komedyana ang TV host-actor na thankful na nakasama niya ito sa My Househusband, Ikaw Na dahil marami siyang natutunan.

Very interesting person daw ito, masarap kausap at genuine friendship ang na-feel niya. Ikinatuwa ni Ryan ang pagdating ni Eugene sa bahay nila after ng shooting na may dalang champagne dahil gustong i-celebrate ang movie nila.

Natawa si Judy Ann sa tanong kundi ba siya nag­seselos na may pagnanasa si Eugene sa asawa niya?

 “Walang selos. She’s a good friend at natutuwa ako sa kanya dahil kahit kailan, ‘di ko nakitang lumaki ang ulo. Natural na natural bumitaw ng lines sa mga eksena namin o sa kuwentuhan lang. Mahal na mahal niya ang kanyang trabaho at likas na magaling. Wish ko for her, humaba pa ang road niya sa showbiz,” sabi ni Juday.

Kaya lang, hindi masasamahan ni Eugene ang mag-asawa sa karosa ng My Househusband sa Parade of Stars sa Dec. 24 dahil sa karosa ng Shake, Rattle, & Roll 13 dahil bida siya sa episode na Rain, Rain Go Away.

Rocco at Kylie magbibida sa prodigal…

Nakita namin si Rocco Nacino sa Christmas Party for the press ng GMA 7 at sabi’y Prodigal Daughter ang title ng afternoon soap na pagtatambalan nila ni Kylie Padilla. Sa Monday na ang storycon nila at dun palang nila malalaman ang kanilang direktor at makakasama sa soap.

Kung hindi kami nagkakamali, ito ang ipapalit sa Kung Aagawin Mo ang Langit, second lead na ito ni Kylie at siya pa ang nasa title. Pang-third lead pro­ject naman ito ni Rocco na kinakitaan ng galing sa Time of My Life.

Crush-crush lang Sam ayaw ligawan si Kim

Biniro namin si Sam Concepcion na lagot siya sa fans nina Kim Chiu at Gerald Anderson na tiyak na magagalit sa kanya dahil inaming crush niya ang young actress. Pero walang balak si Sam na ligawan si Kim, ina-admire lang niya ito.

Wala rin planong mag-girlfriend sa ngayon ni Sam kahit 19 years old na siya dahil focused siya sa kanyang career. Tuwang-tuwa ito na muli siyang kinuha ng Regal Entertainment, Inc. para sa Shake, Rattle, & Roll 13, sa Parola episode at may gagawing album na ire-release sa ibang Asian countries.

Ibi-build-up siya ng Stages (management company) na mala-Christian Bau­tista at bilang panimula, makaka-duet niya si Christian sa album nito at malaking tulong ito para makilala sa ibang bansa dahil kilala na nga naman si Christian.

Confirmed, Louise at Enzo never nag-break

Hindi masyadong natanong si Louise delos Reyes sa nangyaring aksidente sa kanya sa shooting ng Parola episode ng Shake, Rattle & Roll 13. Ang kuwento lang nito sa presscon ng movie ay naaksidente siya, nabagok ang ulo at thankful na hindi grabe ang nangyari sa kanya.

Sa boyfriend nitong si Enzo Pineda na namin narinig ang ibang kuwento. Isinugod pala agad sa St. Luke’s (Quezon City) si Louise para magamot at si Enzo ang kumarga sa kanya nang dalhin sa Emergency Room.

Agad palang naitawag kay Enzo ang nangyari sa GF, nauna pa niyang nalaman sa mother ni Louise at agad siyang sumugod sa ospital. Pasalamat din ito na hindi grabe ang nangyari sa GF. Sabi pala ni Enzo, never silang nag-break ni Louise, ayan ha, walang bawian ng salita!

                                                   

CHRISTIAN BAU

CHRISTMAS PARTY

DAHIL

EMERGENCY ROOM

ENZO

MY HOUSEHUSBAND

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with