^

PSN Showbiz

ABS-CBN kumita ng P2.1 billion sa third quarter ng 2011

-

MANILA, Philippines - Number one pa rin ang ABS-CBN sa nationwide primetime TV ratings noong Nobyembre. Base sa datos ng Kantar Media, humataw ang ABS-CBN sa average national audience share nitong 42%, o 11 puntos na kalamangan kumpara sa 31% ng GMA.

Panalo rin sa primetime block (6:00 PM to 12:00 MN) ang ABS-CBN sa Metro Manila kung saan nakapagtala ito ng 36% national average audience share; Balance Luzon (lugar sa Luzon sa labas ng Mega Manila) na may 44%; Visayas na may 60%; at Mindanao kung saan humataw ang Kapamilya na may 61% national average audience share kontra sa 15% lamang ng Kapuso.

Siyam sa Top 10 regular airing programs noong Nobyembre ay mula sa ABS-CBN.

Sa higpit ng kapit ng mga manonood sa kuwento ni Madam Anna Manalastas, walang nakatibag sa katatapos lamang na 100 Days to Heaven bilang nangungunang programa sa bansa sa average national TV rating na 35%.

Mabilis namang minahal ng publiko ang pinakabagong Primetime Bida Christmas-serye na Ikaw ay Pag-ibig. Pumangalawa ito sa pinakapinanood na programa noong nakaraang buwan sa average national TV rating na 31%.

Number one sitcom na ng bansa ngayon ang bagong Kapamilya comedy program na Toda Max na pinangungunahan nina Robin Padilla, Vhong Navarro, at Pokwang. Nagtala ito ng average national TV rating na 23%.

Hindi naman nagpahuli sa mga weekday program ang longest-running drama anthology sa Asya na Maalaala Mo Kaya na patuloy na umaantig ng damdamin ng mga manonood tuwing Sabado. Ito ang nag-iisang weekend program na kabilang sa Top 5 na may average national TV rating na 30%.

Samantala, wala pa ring nakatalo sa TV Patrol sa average national TV rating nitong 28% kumpara sa katapat nito na nagtala lamang ng 21%.

Kabilang din sa Top 10 programs noong Nobyembre ang mga Kapamilya shows na Budoy (29%), My Binondo Girl (25%), Rated K (23%), at Junior Master Chef Pinoy Edition (23%). Bukod sa telebisyon, wagi rin sa ratings ang Kapamilya radio stations na DZMM Radyo Patrol 630 at Tambayan 101.9.

Nakapagtala ang ABS-CBN sa third quarter ng 2011 ng net income na P2.1 billion, samantalang P1.58 billion net income lamang ang ini-report ng GMA Network para sa parehong quarter.

ANNA MANALASTAS

AVERAGE

BALANCE LUZON

JUNIOR MASTER CHEF PINOY EDITION

KANTAR MEDIA

KAPAMILYA

MAALAALA MO KAYA

MEGA MANILA

NATIONAL

NOBYEMBRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with