^

PSN Showbiz

Ayaw gayahin ang ate, Kylie walang planong layasan ang showbiz

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

For a while, inakala kong susunod na si Kylie Padilla na magku-quit sa showbiz. Nauna nang nag-quit ang kapatid niyang si Queenie at balitang masaya na itong kapiling ang ina sa Australia. Pero hindi pala titigil sa kanyang pag-aarista ang isa sa mga dalaga ni Robin. Katunayan mara­ming proyekto ang inihahanda para sa kanya ang Kapuso Network. Bukod sa regular na siya sa Tweenhearts ay may gagawin din siyang afternoon series ka-partner ni Rocco Encino.

It seems matagal pa bago magkaroon ng kaganapan ang pagtatambal nila, kung magkakaroon man, ng sinasabing boyfriend niyang si Aljur Abrenica.

‘Paumanhin’

Hay naku, pati pala pangalan nina Lovi Poe at Miko Sotto ay misspelled sa mga marmol na pinaglagyan nito sa Walk of Fame Philippines. Hindi kasi ako ang personal na nag-asikaso sa pagpapaletra ng mga pangalan, ipinagkatiwala ko sa iba. Pero siguro kahit na ako ay magkakamali rin. Pagkamamahal pa naman ng halaga ng bawat marmol.

Pero dahil forever and ever na ito, kailangang ma-correct ang mga maling names. Humihingi ako ng paumanhin sa mga kinauukulan.

Mother kailangan ng tulong sa promo

MMFF season na naman. Naimbita ako sa presscon ng mga pelikula ni Mother Lily Monteverde, ang Shake Rattle & Roll 13 at Yesterday, Today, Tomorrow. Nakita ko both are maganda, impressive ang mga istorya at trailer. Personal kong inimbita si Lovi Poe para kantahin ‘yung What I Did For Love na napakaganda ng pagkakakanta niya sa pelikula. 

Nakakatakot din ‘yung trailer ng SR&R 13. Talagang pinagaganda ni Mother Lily ang mga pelikula niya, ginagastusan. Kaya sana tulungan siya sa promo ng kanyang mga artista. Akala kasi ng mga artista ay tapos na ang trabaho nila kapag nakatapos na silang mag-shoot at mag-dub. Nakakalimutan nila na malaking gastos din ang kinakain sa promosyon. Dito kailangan ang kooperasyon ng mga artista at bahagi ito ng trabaho nila. Kailangang mabawi ng producers ang mga capital nila. Paano nila ito magagawa kung hindi magpu-promote ang artista.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

KAPUSO NETWORK

LOVI POE

MIKO SOTTO

MOTHER LILY

MOTHER LILY MONTEVERDE

PERO

ROCCO ENCINO

SHAKE RATTLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with