^

PSN Showbiz

Hollywood actor na si Ryan Gosling panay ang surfing sa Bicol!

- Nitz Miralles -

MANILA, Philippines - Nagkakagulo sa Twitter nang lumabas ang tsikang nasa bansa ang Hollywood actor na si Ryan Gosling at nagsu-surfing sa Siargao. Inggit na inggit ang fans ng aktor kay Ping Medina na nasa Siargao rin that time.

Kung malapit lang ang Siargao, nagpuntahan na tiyak ang fans ni Ryan Gosling na napanood sa The Notebook, Crazy Stupid Love, Drive, Blue Valentine, at mapapanood sa The Ides of March

Shows ni Sharon sa TV5 manggugulat

Pangungunahan ni Sharon Cuneta ang mga TV5 talents na magpi-perform sa party ng First Pacific company ni Manny V. Pangilinan na gagawin sa Hong Kong this weekend.

Kasama ni Megastar na bibiyahe today patu­ngong Hong Kong si Sen. Kiko Pangilinan. Kasama sa Christmas Station ID ng TV5, si Sharon ang opening at closing at siya rin ang kumanta ng theme song. Hintayin natin ang mga gagawin niyang shows sa network dahil panggulat daw.

Jericho gagawa pa ng tatlong pelikula sa Regal

Nagustuhan ni Mo­ther Lily Monteverde ang trabaho ni Jericho Ro­sales sa Yesterday, Today, Tomorrow, kaya may panibago siyang offer sa aktor and this time, three-picture contract ang gustong papirmahan na willing pirmahan na­man ng Kapamilya actor.

Si Lovi Poe ang partner ni Jericho sa Yesterday…, gaganap silang mag-asawa rito na ma­ma­matayan ng anak. Alam ng aktor na crush siya ni Lovi at hanga rin siya rito dahil maganda, seksi, at magaling na ak­tres.

Samantala, isi-celebrate ni Jericho ang 15th year niya sa showbiz sa isang concert sa Marikina Riverbanks Ampitheater sa Dec. 23. Billed Kinse ang concert with guests Salamin band and Gary Valenciano at produced ng Manila Genesis.

vuukle comment

BLUE VALENTINE

CHRISTMAS STATION

CRAZY STUPID LOVE

FIRST PACIFIC

GARY VALENCIANO

HONG KONG

IDES OF MARCH

JERICHO RO

RYAN GOSLING

SIARGAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with