^

PSN Showbiz

MH lalong umiinit

-

MANILA, Philippines - Nasa matitinding highlight na ang programang Munting Heredera ng GMA 7.

Kaya naman putloy ang pag-init ng kuwento nito.

Magwawala si Ingrid hanggang sa palayasin na siya ng fiscal mula sa opisina nito.

Haharangin ni Desmond si Claire on her way to the hospital. Makukumpirma ni Claire na si Desmond nga ang utak sa pananakit kay Philip.

Muling gagamitin ni Jennifer ang phone ni Beth. Sasagutin ni Calilla ang tawag ni Jennifer. Mababanggit nito kay Calilla na nasa piling na siya ng tunay niyang mga magulang. Pero biglang kukunin ni Beth ang phone from Jennifer at puputulin ang tawag. At nang si Lola Ana na mismo ang tumawag kay Beth, agad na papatayin na ni Beth ang phone niya at aalisin pa ang sim card.

Magkakatapatan naman ng nararamdaman sina Claire at Philip pero hindi rin mapapalagay si Claire dahil kasal pa rin siya kay Desmond.

Gagatasan ni Desmond si Ingrid at hihingi ng salapi kapalit ng katahimikan niya tungkol kay Jennifer. Walang magawa si Ingrid kundi ibigay ang gusto ni Desmond.

Samantala, isang lalaki ang lalapit kay Sandra habang natutulog siya. Magigising siya, sa pag-aaklang si Jacob ito – pero si Simeon pala! Gulat si Sandra!

Panaginip lang pala ni Sandra, ang pagsulpot ni Simeon. Mag-aalala si Sandra na ngayong wala na si Jacob, lalo siyang hindi titigilan ni Simeon.

Samantala, gagamititin ni Kate ang pagkamatay ni Allen para idiin si Sandra sa mata ni Jennifer at di na kokontakin ng bata ang mga Montereal.

Susuyuin man ni Enrique si Lola Ana, pero matigas pa rin ito dahil sa kinasapitan ni Sandra sa kamay ng mga Lobregat.

Pagpapayuhan naman ni Enrique si Stanley na suyuin ang sariling asawa kaya pupuntahan ng lalaki ang asawang si Kate sa bahay ni Ingrid.

vuukle comment

CALILLA

DESMOND

ENRIQUE

GAGATASAN

INGRID

JENNIFER

KATE

LOLA ANA

MUNTING HEREDERA

SAMANTALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with