^

PSN Showbiz

Sam at Mark hindi na makalapit kay Piolo

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Poor Mark Bautista! Suspek siya sa hiwalayang KC Concepcion at Piolo Pascual. Ganundin si Sam Milby. Sa halip na pabayaan natin ang namomroblemang dating magkarelasyon na maayos ang kanilang gusot, nagdaragdag pa tayo ng tao na gusto nating isama sa problema nila.

Kawawang Mark at Sam! Dahil lamang magkakaibigan sila ay binigyan na ng kulay ang friendship nila kay Piolo na dahil sa kabila ng kaabalahan ay ni hindi nila mabigyan ng panahon na ma-console.

Jennylyn nakipag-ayos sa lahat ng kaaway

Maganda ’yung pasya ni Jennylyn Mercado na makipagbati na sa kanyang mga kagalit in the spirit of Christmas. Hindi nakapagtataka na ang mahusay na aktres at nagpapakita na rin ng husay bilang TV host ay magkaroon ng ganito kagandang attitude dahil bukod sa kanyang career ay napakaganda rin ng kanyang love life.

In the open na sila ni Luis Manzano at mukhang happy naman siya sa pagmamahal ng anak ng Star For All Seasons kung kaya ayaw na niyang masira ito sa hindi magandang relasyon niya sa iba, kasama na ang ex niyang si Dennis Trillo.

Alice TAKOT SA MGA intriga

Dapat bang piliin ng isang artista ang kanyang mga sasabihin para lamang hindi siya maintriga sa isang co-actor at kaibigan?

Ito ang naging reaksiyon ng marami sa mga pahayag ni Alice Dixson tungkol sa hindi niya pagkakasama sa pelikulang Enteng ng Ina Mo. Kasama rin kasi sa istorya si Faye, isang role na ginampanan niya sa Okay Ka, Fairy Ko. Sa halip ay sa pelikula ni Sen. Bong Revilla, Jr. siya kinuha para maging ina ni Marian Rivera. Nang kunan siya ng reaksiyon kung bakit wala siya sa pelikula ni Bossing Vic ay sinabi niyang hindi siya na-offer. Ginagawang intriga ito ngayon at anggulo sa pagkukumpara sa dalawang pelikula ng magkaibigang Bong at Vic.

Ayaw patulan ni Alice ang intriga. Kung ano lang ang itinatanong sa kanya, ’yun lang ang sinasagot niya. Kung pinupuri man niya ang Panday 2, at sinasabing pinakamagandang movie sa December filmfest, paniniwala niya ’yun, opinyon niya at wala siyang minemenos na mga kalabang pelikula.

Marcelito Pomoy tinitiis  lang magboses-babae

Magaling talaga palang singer si Marcelito Pomoy na nag-guest sa aming Walang Tulugan with Master Showman para sa promosyon ng showdown concert nila ni Jovit Baldivino. Ang ganda sana kung dumating din si Jovit dahil baka pinaglaban ko na sila agad, pero baka kalabisan na ’yung hilingin sa kabilang istasyon.

Hirap pala si Marcelito na mag-boses babae, mas madali sa kanya ang kumanta bilang isang lalaki pero dahil ang pagdadalawang-boses ang ikinaiiba niya sa maraming singers, pinangangatawanan na niya ito.

I’m sure marami ang manonood ng showdown nila, if only to prove kung sino sa dalawa ang mas magaling.

                                   

ALICE DIXSON

BONG REVILLA

BOSSING VIC

DENNIS TRILLO

FAIRY KO

INA MO

JENNYLYN MERCADO

MARCELITO POMOY

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with