^

PSN Showbiz

Lolit Solis na naninira sa Twitter, impostora!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Heto na naman ako sa aking apela na wala akong Twitter account kaya fake ang Lolit Solis na gumagamit ng lolit_solis account.

Obvious na peke ang second rate trying hard copy cat na Lolit dahil mga paninira sa mga artista ang kanyang tweets. Kulang na lang, siraan din niya ang kanyang sarili.  

Kahit ano pa ang i-tweet ng aking impostora, wala nang maniniwala sa kanya dahil alam ng lahat na wala akong twitter account. Kung may mga iba­balita ako, isusulat ko na lang dito sa PSN at sa column ko sa PM.

Rhian at piolo nagpapaka-busy!

Tinalbugan na talaga ng Rhian Ramos-Mo Twister controversy ang balita tungkol sa paghihiwalay nina KC Concepcion at Piolo Pascual.

Sa latest survey ng isang website, ang Rhian-DJ Mo issue ang biggest showbiz news at hindi na ang break up nina Piolo at KC.

Parehong nasa gitna ng mga kontrobersiya sina Rhian at Piolo pero imbes na magmukmok o manahimik, very visible sila sa showbiz scene. Talagang mga career-oriented sila dahil hindi nila hinahayaan na maapektuhan ng mga problema ang kanilang mga trabaho.

Metro Manila Binalot Ng Fog

Very foggy ang Metro Manila kahapon ng umaga ‘ha? Naloka ang mga tao nang magising sila dahil halos hindi nila makita ang kalsada dahil sa kapal ng fog. Hindi nagkulang ang mga host ng mga morning TV  program na mag-ingat sa pagmamaneho dahil sa foggy weather.

Mahirap nang mahulaan ang panahon dahil sa pabago-bagong klima. Kung sobrang init noong Biyernes, halos maghapon na umuulan noong Sabado. Kahapon naman, parang bumaba mula sa langit ang ulap dahil binalot ng fog ang Metro Manila at ilang mga probinsiya.

Hindi na talaga maaawat ang pagdating ng Pasko!

Masipag mag-attend ng party para makaharbat!

Fully-booked ang schedule ko kahapon dahil sa presscon cum Christmas party for the press ni Cagayan Representative Jack Enrile at sa presscon ng Shake, Rattle & Roll ng Regal Entertainment Inc.

Kagabi rin ang mala-Winter Wonderland Christmas party ng TV5 para sa entertainment press.

Busy ang week na ito dahil sa magkakasunod na mga presscon at Christmas parties. Nag-e-enjoy ako sa mga raffle draw at items na nahaharbat ko kaya masipag ako sa pagdalo sa mga Christmas party.

Hindi talaga ako nagpupunta sa ibang bansa tuwing December dahil ayokong ma-miss ang mga presscon at Christmas party.

At walang umuwing luhaan sa presscon kahapon ni Cagayan Congressman Jack Enrile dahil ‘yung mga hindi nanalo sa raffle, nag-uwi ng tig-iisang kaban ng bigas.

Siyempre, courtesy of Papa Jack ang mga bigas. First time ni Papa Jack na humarap sa entertainment press kaya na-intimidate daw siya.

In fairness, naaliw kay Papa Jack ang showbiz press dahil lahat ng mga tanong, sinagot niya.

Pinabulaanan ni Papa Jack ang tsismis na nanligaw siya noon kay Batangas Governor Vilma Santos. Hindi raw totoo ang balita pero magkapit-bahay sila ni Mama Vi sa isang exclusive village sa Makati City.

Natawa rin si Papa Jack sa mga tsismis na nag-link sa kanya noon kina Pops Fernandez at Liezl Martinez. Sa madaling-sa­lita, mga urban legend lang ang mga isyu tungkol kay Papa Jack na naiintriga kahit walang kinalaman sa showbiz.

Magaling na pulitiko si Papa Jack. Hindi ako magtataka kung mahalal siya na senador, balang araw. Why not eh unico hijo siya ni Senator Juan Ponce Enrile.

                                               

BATANGAS GOVERNOR VILMA SANTOS

CAGAYAN CONGRESSMAN JACK ENRILE

DAHIL

JACK

METRO MANILA

PAPA JACK

RHIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with