Segura, pound-for-pound boxer ng Ring
MANILA, Philippines - Ang Ring Magazine ay matagal na panahon nang itinuturing na Bible of Boxing. Itinatag ito noon pang 1922 at nagsimula ito bilang isang boxing at wrestling magazine. Bagama’t pinatatakbo na ito ng Golden Boy Promotions ngayon ni Oscar dela Hoya, ang Ring Magazine ay kinikilala pa ring most fair at balanced source ng boxing information.
Dahil sa magandang reputasyon, ang kanilang pound-for-pound list ay sadyang katanggap-tanggap sa mga apisyonado ng boksing. Sa kasalukuyan ay hawak ni reigning WBO Welterweight Champion Manny Pacquiao ang No. 1 slot at kasunod niya sina WBC welterweight champion Floyd Mayweather, Jr., Sergio Marquez, Nonito Donaire, Jr., at Juan Manuel Marquez na siyang bumubuo ng Top 5 sa list.
Ang sixth slot ay kay WBO, WBA, at IBF heavyweight champion Vladimir Klitschko na sinusundan ni WBC flyweight champion Pongsaklek Wongjongkam at WBO light welterweight champion Timothy Bradley.
Si Giovani Segura, na siyang humahamon kay Brian Viloria para sa kanyang WBO flyweight title ngayong Dec. 11 sa Ynares Sports Arena simula 9 a.m. ang siyang may hawak sa ninth spot ng pound-for-pound rankings ng Ring mag.
Itong napakalakas na katayuan na ito sa boxing world ay nagpapatunay na si Segura ay isang ‘‘force to be reckoned with.’’ Na-domina niya ang light flyweight division at napatunayan niyang siya ay isa sa mga best fighters in the world today.
Si Andres Ward, ang reigning WBA super middleweight champion, ang siyang No. 10 sa Ring.
Abangan si Segura sa Island Assault 3: Champion vs Champion. Ang mga tiket ay mabibili sa Ticketnet (SM outlets) at TicketWorld. Ang pinakamurang tiket ay sa bleacher, P150.
- Latest