Mo idinamay na pati ang ina at manager ni Rhian
PIK: Ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ni Bea Binene ang pagbida niya sa isang fantaserye sa GMA 7 na ipapalit sa Daldalita next year.
Ayaw pang ibigay ni Bea ang buong detalye pero tiyak na kasama niya rito si Jake Vargas at may dalawa pa silang kasama.
Tamang-tama rin ang pagkakuha sa kanya ng Shimmian Manila Surgicenter bilang endorser dahil kailangan pa niyang magpakinis bilang isa sa mga paghahanda sa role na gagampanan niya sa fantaseryeng ito.
PAK: Totoo kayang si Frencheska Farr naman ngayon ang bagong dinidiskartehan ni Ervic Vijandre?
Mukhang magkakadebelopan na ang dalawa dahil laging nakabantay ang model/actor kay Frencheska.
BOOM: Wala si Rhian Ramos sa Manny, Many Prizes nung nakaraang Sabado. Nasa taping ito ng My Beloved.
Napagdudahang baka tinanggal na ang young actress sa naturang variety/game show pero itinanggi naman ito ng production staff.
Magiging semi-regular co-host si Rhian sa MMP dahil may conflict ito sa taping ng bagong drama series nila ni Dingdong Dantes.
Nang kumalat na sa Internet ang video ni Mo Twister, inamin ng kampo ni Rhian na sobrang apektado ang young actress pero tuloy pa rin ito sa trabaho at maayos naman itong nagti-taping sa My Beloved. Hindi na lang nila pinag-uusapan ito sa taping para hindi na lalong makakaapekto sa trabaho nito.
Hindi naman itinuloy ni DJ Mo ang pagsalita sa Paparazzi. Maayos na ang mga sumunod niyang statement at hindi na nito ipinahamak ang GMA 7. Pero sa huli niyang statement na lumabas sa radio program ni Noel Ferrer kahapon, tahasang dinamay na ang manager at ang ina ni Rhian.
Hindi kaya lalong tatambakan ng katakut-takot na demanda si DJ Mo niyan?
- Latest