Kumukuti-kutitap ang ASAP Rocks!
MANILA, Philippines - Isang all-star Kapamilya Christmas ang tampok bukas (Dec. 4) sa 2011 PMPC Star Awards Best Musical Variety Show at Golden Screen Awards 2011’s Outstanding Musical Program awardee na ASAP Rocks!
Lahat magniningning sa Kumukuti-kutitap episode ng top-rating musical variety show ng ABS-CBN dahil kasabay ng pagkilala sa mga natatanging mang-aawit na pasok sa ASAP 24K Gold Awards at 7th Platinum Circle, sunud-sunod na magkikislapan ang OPM performances nina Gary Valenciano, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Sarah Geronimo, Toni Gonzaga, Christian Bautista, at Piolo Pascual.
Abangan ang concert performances ng Pinoy rock bands na Bamboo at Spongecola; OPM icons na sina Rachel Alejandro, Jamie Rivera, Gino Padilla, at Richard Reynoso; at makatindig-balahibong song number mula kina Jovit Baldivino at Marcelito Pomoy.
Samantala, maki-celebrate sa birthday ni Rock Princess Yeng Constantino at huwag palampasin ang Christmas treat nina Martin, Zsa Zsa, Erik Santos, Jericho Rosales, Sam Milby, Aiza Seguerra, Princess, Zia Quizon, Robin Nievera, Nikki Gil, Sitti, at ASAP Boys R Boys na sina Markki Stroem, Alex Castro, Bryan Termulo, at JM de Guzman.
Magniningning pa lalo ang Disyembre sa hataw performances ng ASAP League of Supahdancers na sina Kim Chiu, Maja Salvador, Enchong Dee, Enrique Gil, Shaina Magdayao, Rayver Cruz, John Prats, Iya Villania, Empress, at Gabriel Valenciano.
Huwag palampasin ang engrandeng pagsalubong ng ASAP Rocks sa buwan ng Disyembre ngayong Linggo, 12:05 n.n., sa ABS-CBN.
- Latest