Kanye, Adele, Bruno Mars nominado sa Grammys
MANILA, Philippines - Nakakuha si Adele ng anim na Grammy nominations kahapon kabilang ang para sa record, song, at album of the year.
Pero hindi ang top nominee ng gabing iyon ang may-ari ng 2011’s best selling album sa 21.
May pitong nominasyon naman si Kanye West na kabilang ang song of the year dahil sa kanyang all-star song na All of the Lights. Gayunman, hindi napasama sa best album category ang pinagmulan nitong album na My Beautiful Dark Twisted Fantasy kahit pa pinuri ito ng maraming kritiko bilang best album of 2010. Ang lahat ng iba pa niyang nominasyon ay nasa rap field.
Hindi rin napasama sa top nominations ang country phenomenon na si Taylor Swift at ang beteranong crooner na si Tony Bennet.
Nakipag-“tie” sina Bruno Mars at Foo Fighters kay Adelle sa kanilang tig-anim na nominasyon kabilang ang sa album of the year category.
Apat naman ang nominasyon ni Lil Wayne at apat naman kay Bon Iver na may dalawa mula sa prestihiyosong record at sa song of the year categories.
Pero maaaring pinakamalaking sorpresa ng gabi ang dubstep star na si Skrillex na nakakuha ng limang nominations kasama na ang para sa best new artist.
“Nakakagulat. Ako at ang mga taong ito, nagkulong kami sa studio hindi kalayuan dito at nagtrabaho sa album na ito lalo na ang Grenade,” sabi ni Mars matapos ipahayag ang nominations.
“Iyan ang kantang pinaghirapan namin. Parang iyan na ang tropeo namin. Sa lahat ng mga awitin, masuwerte na kaming maging bahagi ng taong ito, ipinagmamalaki na namin ito.”
Ang mga nomination ay ipinahayag pagkatapos ng ika-apat na taunang live concert special ng Recording Company na narinig sa CBS mula sa Nokia Theater sa Los Angeles, California. Naging tampok sa halos isang oras na okasyon ang pangunahing nominees tulad nina Lady Gaga, Katy Perry, Nicki Minaj, at Band Perry.
Kahit konti ang nominasyon ni Adele, ang kanyang 21 ay nominated naman sa album of the year. Ang album na ito ay nakagawa ng smash hit na tulad ng torch ballad na Someone Like You.
Ang tanging country act na nakapasok sa isang mainstream nomination ay ang country sibling act na The Band Perry. Nominado sila sa best new artist.
- Latest