Nikki, gustong mag-asawa ulit?
Masayang-masaya si Nikki Valdez dahil kasama siya sa pelikulang Enteng Ng Ina Mo na kasali sa nalalapit na Metro Manila Film Festival.
Hindi na raw masyadong nahirapan si Nikki sa kanyang role dahil anak pa rin siya ni Ina (role ni AiAi Delas Alas) sa nasabing proyekto. “Ito kasi collaboration ni Enteng Kabisote at saka ni Ina. Ako si Tudis, ‘yung second child ni Ina. Hindi ko sinasabing hindi na siya ganun ka-challenging because pang-ilang movie na namin ito but ito nga ‘yung magandang part dahil ina-absorb na namin ‘yung characters namin so we know each other very well. So now noong may pumasok na Enteng Kabisote, alam ko kung paano magre-react for my mother na si Ina. Kabisadung-kabisado ko na si Tudis,” pahayag ni Nikki.
Maituturing daw ng aktres na mas malaki ngayon ang kanilang pelikula kaysa sa mga nagdaang Tanging Ina na kanyang nagawa. “Sabi ko nga the more the merrier. This time it’s bigger and mas riot kasi nagsama ang dalawang malaking pamilya, dalawang malaking pamilya, at dalawang malaking artista. Overwhelming lang kasi naririnig mo ‘yung reaction ng tao na inaabangan na talaga nila. They can expect double the fun, double the drama and may action scenes kami. May mga fight scenes kami, abangan nila ‘yan,” kuwento pa ni Nikki.
Samantala, kamakailan ay inamin niya na magkahiwalay na sila ng kanyang asawa at open naman daw si Nikki kung sakaling may bagong magpapatibok sa kanyang puso. “I really don’t know kasi ‘yung ganyang mga bagay hindi mo masasabi eh, hindi planado. If it comes, it will come. Kapag nandiyan na siya, I’ll be happy if God will give me the chance to find that one person who will love me for who I am and for who I have, what I have and bonus na lang ‘yun sa buhay ko kasi right now, I’m at the happiest state with my daughter and my family ulit. Tingin ko mas magandang mas maraming nagmamahal kaysa sa isa lang. Marami diyan, case to case basis. Basta if God will give me that blessing in the future then thank you. Kung hindi, siguro hindi talaga meant to be. Ang importante ngayon ay I love my job and I love myself din, my daughter and my family,” paliwanag ni Nikki.
Jed, patok sa Malaysia
Labis na natuwa si Jed Madela nang magtagumpay sa Malaysia ang kanyang album na may titulong Between Us.
Noong una raw ay nag-dalawang isip pa ang singer na baka hindi tangkilikin sa Malaysia ang kanyang mga kanta. “May mga doubts ka din that people, would just look and listen to me tapos hindi naman papatok ang album. You know, I’m thankful nakita ko ang suporta ng kapwa natin Pinoy whenever I perform live doon at hindi lang Pinoy, pati mga Malaysians kasi halos magkapareho ang music natin so full support sila,” kuwento ni Jed.
Nagpa-plano na rin daw ang singer na mag-release ng kanyang album sa Indonesia sa susunod na taon.
-Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest