Ricky Reyes tatalakayin ang phobia sa dentista
MANILA, Philippines - Isa sa mga kinatatakutan ng mga bata ay ang pagpunta sa klinika ng mga dentista. Para itong isang phobia talaga.
Ewan nga ba kung bakit pero tiyak na pahirapan kapag yayakagin sila ng mga magulang na magpabunot ng ngipin, ipagamot ang namamagang bagang o pasukatan ng retainer o braces para ikorek ang tubo ng denture.
Tutok lang sa segment na Dental Duo sa Life and Style With Gandang Ricky Reyes ngayong Sabado, alas-diyes ng umaga, at ang problemang ito ang tatalakayin nina Dr. X at Dr. Y. Ano nga ba ang magandang remedyong naisip ng mga dentistang ito para mawala ang takot ng mga batang pasyente sa kanila?
May karugtong ang Tiyangge-Hopping segment at mas maraming lugar ang dadalawin ng host-producer na si Mader Ricky Reyes. May interbyu rin siya sa isang matagumpay na negosyante na nagsabing, “There is no business like food business.” Kung bakit, malalaman ito sa programang prodyus ng ScriptoVision at napapanood sa GMA News TV.
“Kesa magmukmok lang dahil nga mahirap ang buhay, ang dapat isipin ay kung ano ang pagkakakitaan dahil ang ibang malahiganteng negosyo’y sa maliit din nagmula.
“Sabi nga, hope springs eternal. Basta gusto mong gawin ang isang bagay ay makakaya mo,” giit ni Mader na ang unang salon ay maliit lang at binabaha pa kung umuulan.
- Latest