^

PSN Showbiz

Kasal ni Kyla kay Rich tahimik!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK : Tahimik at very solemn ang kasal nina Kyla at Rich Alvarez na ginanap sa Sanctuario de San Antonio sa Forbes Park, Makati City nung isang araw.

Sa kanilang dalawa, si Rich ang kabado na halos hindi nga siya makatulog nung gabi bago dumating ang araw ng kasal.

Present ang mga top executives ng tatlong higanteng TV network na sina Atty. Felipe Gozon, Ms. Cory Vidanes, at Mr. Manny Pangilinan na tuma­yong ninong at ninang.

Kasama rin sa mga principal sponsors sina Atty. Jimmy Duavit, Ms. Wilma Galvante, at Ogie Alcasid.

Dapat ninang din si Regine Velasquez pero hindi ito nakadalo dahil kapapanganak lang nga.

Dumalo naman sa reception na ginanap sa NBC tent ang mga kasamahan ni Kyla sa Party Pilipinas at mga kaibigang singers sa ASAP na sina Karylle at Christian Bautista.

PAK : Pagkatapos ng My Binondo Girl, gusto na muna ni Jolo Revilla na mag-focus sa kanyang trabaho sa Cavite bilang barangay captain ng Brgy. Panapaan 7 sa Bacoor.

May mga sinimulan siyang projects sa Cavite bilang board member ng Liga ng mga Barangay sa Cavite at siya rin kasi ang executive president ng Liga ng mga Barangay Captain ng bansa.

Pero kung maganda ang project na iaalok sa kanya, puwede niyang isingit sa kanyang schedule, pero mas magpo-focus si Jolo sa kanyang pagiging pulitiko.

BOOM : Matindi ang pagbabantay ng mga handlers ni Piolo Pascual nang namataan ito sa Ninoy Aquino International Airport 2 na dumating galing Japan kamakailan.

Kasama ni Piolo si Enchong Dee na duma­ting na halos ipagtulakan ng mga handlers ng aktor ang mga reporters na gustong kunan at kapanayamin ito sandali.

 Inamin naman ni Piolo ang tungkol sa hiwalayan nila ni KC Concepcion pero ayaw na niyang pala­kihin pa ito.

Kung anuman ang dahilan ng kanilang hiwalayan, sa kanila na lang daw ’yun.

vuukle comment

BARANGAY CAPTAIN

CAVITE

CHRISTIAN BAUTISTA

CORY VIDANES

ENCHONG DEE

FELIPE GOZON

FORBES PARK

JIMMY DUAVIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with